Ang mahiwagang pagkawala ni Cassiopea ay labis na ikinabahala ng mga encantado. Nalalapit na ang ika-limang libong kabilugan ng buwan simula nang pumanaw si Sang'gre Alena, ang pinakahuli, sa mga anak ni Reyna Minea na tuluyan nang namahinga sa Devas. At ang itinakdang panahon upang ipagkaloob sa mga mamayan ng Adamyan ang karangalang matawag bilang isang ganap na Kaharian.
Sa paglitaw ng ika limang libong kabilugan ng buwan, ipuputong ang korona sa nakatakdang mamuno sa bagong kaharian ng Adamya. Ngunit ang pinakamatandang encantado lamang ang tanging nilalang na maaring magbigay basbas sa unang hari o reyna ng isang bagong sibol na kaharian, at ito ay walang iba kundi ang sinaunang Reyna ng Lireo, si Cassiopea.
Tatlong gabi bago ang susunod na kabilugan ng buwan, ipinatawag ng konseho ng mga nagkakaisang pantas ang lahat ng maharlikang namumuno sa Kaharian ng Encantadia. Dumalo ang kasalukuyang reyna ng Lireo na si Octiva at si Arvan, ang kasalukuyang hari naman ng Sapiro. Ngunit nakapagtataka ang tuluyang pananahimik ng mga maharlikang Sang'gre ng Hathoria. Sa kabila ng marangyang paanyaya ng pagdalo, walang sinumang encantado mula sa pamunuan ng Hathoria ang dumating sa pulong.
"Ashtadi! Kung hindi nais ng Hathoria na makiisa sa atin, hayaan niyo na sila. Mamuhay tayo na hindi sila kasama!" Mungkahi ni Haring Arvan ng Sapiro.
Marahang tumayo si Reyna Octiva ng Lireo at inilabas ang isang lumang baul. Binuksan niya ito kinuha mula sa loob ang isang lumang aklat. Ang lahat ay tila nagulat, lalo't higit si Haring Arvan.
"Batid kong alam ninyo lahat kung ano itong hawak ko. Sa aklat na ito nasusulat ang kasaysayan ng Encantadia. Mula pa sa ating mga ninunong Sanggre. Sa ngalan ng mga sinaunang Hari at Reyna ng bawat kaharian ng Encantadia, panahon na upang ipagkaloob sa mga Adamyan ang karapatang matawag na kaharian"
Ivo Live Adamya, Ivo Live Encantadia! Ang sigaw ng konseho.
"Sheda! Isa itong paglabag sa tradisyon ng ating lupain. Tanging si Cassiopea lamang, ang mata at ang pinakamatandang Sang'gre ng Encantadia ang may karapatang mag-gawad ng pagkilalang ito! Hindi ako, at mas lalong hindi ikaw.. Octiva" Pagtutol ni Haring Arvan.
Isang matalim na tingin at mapangutyang ngiti naman ang iginanti ni Reyna Octiva sa pagtutol na ito.
"Sa oras na hindi natin ipagkaloob ang pagkilala sa Adamya bilang isang kaharian sa lalong madaling panahon, tinitiyak kong titiwalag sila sa konseho at bilang kasapi ng nagkakaisang kaharian sa lupain ng Encantadia. Nagyon mamili ka Arvan, Kapayapaan? O Kamatayan? ibigay natin ang pasya sa konseho."
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA: Ang Bagong Mundo
FantasiDaang-libong kabilugan ng buwan ang lumipas at natapos na rin ang panahon ng apat na dakilang mga Sanggre ng Encantadia.. Marami na ang nagbago sa lupain ng hiwaga at mga kamangha-manghang bagay.. Muling tuklasin at silipin ang bagong mundo ng Enca...