Ang Pagkawala Ni Cassiopea

93 1 0
                                    

Ang unang reyna at mata ng Encantadia na si Cassiopea ay ang huling Sang'gre na nasilayan ang lumang anyo ng Encantadia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang unang reyna at mata ng Encantadia na si Cassiopea ay ang huling Sang'gre na nasilayan ang lumang anyo ng Encantadia. Ang sumpa ni Emre ng walang kamatayang buhay at pasakit na masasaksihan ni Cassiopea ay tuluyan na ngang naputol nang muling nabuo ang apat na mahalaga at makapangyarihang brilyante ng Encantadia. Kapayapaan at kabutihan ang siyang nanaig nang napagkaisa nina Pirena, Amihan, Alena at Danaya, mga pawang anak ng Ynang Reyna Minea, ang buong Encantadia.

Lumipas ang maraming siglo at patuloy na nanahan ang mga diwata sa Lireo. Ang pamumuno ng lupain ay malugod na ipinagkatiwala sa mga sumunod na lahi ni Amihan, ang minsang naging tagapangalaga ng brilyante ng hangin.

Habang pinagpasyahan naman nina Ybrahim at Sang'gre Alena na mamuhay na lamang ng payak sa lupain ng Adamya. Malayo sa karangyaan at kasaganahan ng Sapiro. Ang mga sumunod na salinlahi nila ay hindi na nilisan ang teritoryo ng mga Adamian.

Samantala, ipinagkaloob kay Sang'gre Danaya ang paghahari sa Sapiro, bilang siya ay isang Sang'gre na may dugong Sapirian dahil sa ama nitong si Enuo, ang dakilang Pantas ng Encantadia. Ngunit sa kabila ng galing sa pakikidigma at liksi ni Danaya, sa kanilang magkakaaptid ay siya naman ang unang nagtungo sa Devas. Pumanaw ang noo'y Reyna ng Sapiro matapos isilang ang dalawang lalakeng sanggol na pinagmulan ng bagong lahi ng mga Sapirian. Sa unang pagkakataon, sa kaysayan ng Encantadia, kinilala ang dalawang Hari upang mamuno sa iisang kaharian.

Ngunit isang kababalaghan na mapagpasyahan ni Reyna Pirena ng Hathoria na isara ang lahat ng hangganan at lagusan ng Hathoria at unti-unti itong humiwalay sa iba pang nagkakaisang kaharian sa Encantadia. Gayunpaman, wala ni anumang kaguluhan o mga di kanais-nais na bagay ang idinulot ng pagkakahiwalay na ito. Nagpatuloy ang kapayapaan sa Encantadia, gayundin ang labis na katahimikan ni Reyna Pirena at ng kaharian ng Hathoria.

Ngunit sa di malamang panahon at dahilan ay tuluyan na lamang naglaho si Cassiopea..

ENCANTADIA: Ang Bagong MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon