I
Pinagmasdan kong mabuti ang gatas nasa harapan ko, bawat usok na nanggagaling dito ay tila isang mahika na nakapagpapamangha saakin, idagdag pa ang amoy nitong talaga namang manggigising sa tila tulog kong diwa.
"Lalamig 'yan." aning isang tinig mula sa aking likuran, hindi na ako nag-abalang lumingon pa dahil boses pa lamang nito ay kilala ko na.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-upo niya sa akin harapan.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.
Bumuntong hininga ako bago sumulyap sakanya, "Natatakot na ako," napakagat ako sa ibabang labi ko, "Gabi-gabi ko na lang napapaginipan ang lalaking 'yun. Paulit-ulit lang ang mga nakikita ko at paulit-ulit lang din ang takot na nararam-"
"Ssh, ssh, I'm here. Isa pa panaginip lang yun, okay? Hindi mangyayari yun." umiling ako sa kanya. Paano siyang nakakasigurado? Hindi normal ang napapaginipan ko at alam ko 'yun! "I assure you, Clint. Nothing bad will happen"
Tumayo siya at yumakap saakin. Nabawasan ang takot na nararamdaman ko pero hindi parin nawala sa isip ko ang senaryong paulit-ulit kong nakikita sa panaginip ko.
Mag-iisang linggo na buhat ng magsimula ang panaginip na iyon. Nong una ay binalewala ko lang hanggang sa umulit ito ng pangalawang beses hanggang sa umabot ng tatlo, apat at lima.
"Ubusin mo na muna ang gatas mo bago kita ihatid sa kwarto mo," bumalik na siya sa kaninang pwesto niya at saka ako pinanood na ubusin ang gatas na tinimpla niya.
**
Lumapit siya saakin at humalik sa noo ko, "Good night, Clint." tumalikod siya mula saakin at pumwestong lalabas na ng kwarto ngunit pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kamay.
"May problema ba?"
I shook my head, "Huwag kang aalis."
Humakbang siya ng isa palapit saakin, "Hindi ako aalis. Kung may kailangan ka nandyan lang ako sa kabilang kwarto."
Hindi ako nagsalita. Ayoko ko siyang paalisin sa tabi ko pero hindi ko magawang sabihin, pakiramdam ko nagiging abala na ako sakanya. Tuwing gabi na lang ay ganito ang nangyayari saaming dalawa. Hindi siya nakakatulog ng maayos dahil sa pag-aalala niya saakin.
"At 'wag mong isipin na abala ka saakin," gulat akong napatingin sakanya, sumilay ang ngiti sakanyang labi. "I can't read your mind if that's what you're thinking."
Ngumiti ako ngunit hindi umabot sa aking mata. "Good night, Ward. Salamat"
He nod and smiled bago naglakad palapit sa pinto, humarap muli siya sa akin ng mabuksan niya ang pinto ng kwarto. "Do you want you're lights off?"
Mabilis akong umiling, "No please."
"Okay." ngumiti siyang muli. "Good night, Clint."
Pagkalabas ni Ward ng kwarto ay muling nagbalik ang kaba sa aking dibdib. Humiga ako ngunit hindi ki magawang ipikit ang aking mga mata. Natatakot ako na oras na ipikit ko ang mata ko ay makita kong muli ang mukha ng lalaki na nagmumulto sa panginip ko.
Masyadong tahimik ang paligid. Tanging ang tunog lamang ng orasan na nakasabit sa dingding ang maririnig. Wala ang ingay ng mga dumadaang sasakyan na madalas kong marinig noong nasa Maynila pa ako. Hindi ko maiwasang isipin na baka ang paglipat ko dito sa probinsya ang dahilan kung bakit ako nananaginip ng ganon.
Hindi kaya may natamaan akong hindi nakikita ng karaniwang tao? May nasira akong tirahan nila o baka may nasabi akong hindi nila nagustuhan?
Masisiraan na yata ako ng ulo kaiisip sa mga posibleng dahilan kung bakit nangyayari saakin ito.
BINABASA MO ANG
Devils Revenge
VampireAng sabi ng mga kaibigan ko normal lang daw para sa isang tao ang managinip, I even searched it in dictionary, ang 'Panaginip' daw ay ang most hidden desire ng isang tao. Napapanaginipan ng isang tao ang bagay na gustong-gusto niyang mangyari na kah...