II
"Ako na." I bowed my head bago ibinigay sa kanya ang baldeng bitbit ko. Hindi ko siya magawang tignan o kausapin man lang.
Damn. Do you guys know the word awkward?
Pumunta na lang ako sa table na nasa ilalim ng puno at ininom ang natitirang tubig na nasa baso ko.
Nasa bukid kami ngayon ni Ward na pagmamay-ari ng family nila. Twice a week kami kong magpunta dito kaya medyo saulo ko na ang mga pasikot-sikot ng lugar. Marami silang pananim na pamilyar saakin pero ang ilan naman ay ngayon ko lang din nakita. May mga iba't-ibang klase ng hayop din silang inaalagaan. May mga baboy, kambing, baka, kalabaw at tupa. May mga bibe din na nakapalibot at lumalangoy sa maliit na bukal ng tubig sa gitna ng bukid.
Lumapit ang isa sa trabahador nila Ward saakin dala-dala ang bagong ani lamang na singkamas. "Ma'am, tikman niyo po ito. Bagong hukay lamang po iyan kaya matamis pa." nakangiting kinuha ko iyon at nagpasalamat.
Lumapit ako sa poso at hinugasan ang ibinigay saakin ni Manong Kaloy, ang pinakamatagal ng trabahador nila Ward sa bukid nila. Malawak ang bukid nila kaya naman nangangailangan ng maraming tao para bantayan at alagaan ito. Lalo pa't walang ang pamilya ni Ward na sana'y nagbabantay dito.
Bumalik na ako sa lamesang pinanggalingan ko kanina para balatan ang singkamas na hawak ko. Inabot ko ang kutsilyong nakita ko. Nakakalahatian ko na ang pagbabalat ng may marinig akong boses sa likod ko. Si Ward.
"Ako na, baka masugatan ka pa." hindi tumitingin saakin na sabi niya.
"No, I can manage."
Kinuha niya ang singkamas sa kamay ko kaya napilitan akong ibigay na sakanya ang kutsilyo. Ayoko na rin namang magpumilit pa. Siguro kung hindi nangyari yung kagabi, baka nakipag-agawan pa ako sakanya ngayon. Pero iba na kasi eh, nakakailang na. Lalo pa't sinabi niya sa mismong mukha ko na mahal niya ako.
I sighed.
"Here." maya-maya pa ay inabot na niya saakin ang balat nang singkamas.
I smiled. "Thanks." Kumagat ako dito. Katulad nga ng sabi ni Mang Kaloy, matamis ito at masabaw. Sobrang sarap sigurong magkaroon ng sariling farm, biruin mo, hindi mo na kailangang magpunta pa sa palengke dahil lahat na ng gulay at prutas na kakailanganin mo ay nasa bukid mo na. Magpapainit ka lang saglit at mamimitas then may fresh na prutas at gulay ka na.
"About last night," nabitin sa ere ang pag-kagat ko sa singkamas na hawak ko. "I'm sorry. Nadala lang siguro ako."
I don't know what to say, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko because seriously I don't want to open it up. Sariwa pa sa ala-ala ko.
"I'm sorry for making you feel uncomfortable, Clint. I just hope na walang magbago saating dalawa dahil sa nangyari kagabi."
Napalunok ako ng wala sa oras. I'm not good at words kaya I don't know what to say.
He looked at me. Waiting for response.
Ilang ulit na nagtalo ang isip ko kung ano ba ang sasabihin ko kaya halos mapamura ako ng tumango at ngumiti ako sakanya bago naglakad palayo.
OH. MY. GOD.
Ano yun? Bakit ganon ang ginawa mo Clint? You're sooooo stupid.
Eh what should I do? Damn I'm speechless.
Ugh! Stupid.
Para akong timang na kinakausap ang sarili kaya hindi ko namalayan na nasa dulo na pala ako ng farm nila Ward. Kaunti na lang ang mga taong nakikita kong nag-aayos dito. Ang ilan ay nagwawalis, may nagtatanim at nagdidilig. They were so busy with their works that they didn't notice na nakalabas na ako ng gate ng farm.
BINABASA MO ANG
Devils Revenge
VampireAng sabi ng mga kaibigan ko normal lang daw para sa isang tao ang managinip, I even searched it in dictionary, ang 'Panaginip' daw ay ang most hidden desire ng isang tao. Napapanaginipan ng isang tao ang bagay na gustong-gusto niyang mangyari na kah...