III

5 1 0
                                    

III

Para akong timang na kumakanta dito habang naglalakad papasok sa mapunong lugar, nagkamali yata ako ng punta dito, nawala sa utak ko na gubat nga pala ito. Malamang madilim ar sobrang nakakatakot. Tanging ang ilaw lamang mula sa liwanag ng cellphone ko ang nagsisilbing liwanag para makita ko ang daraanan ko.

By sobrang nakakatakot I mean para kang nasa isang horror movies and you didn't know when or where the ghost will appear.

"..coz I never wanna be that guy, who doesn't even get a taste" I continued singing and humming when I suddenly heard a sound. Parang may something na gumalaw sa likuran ko.

Oh shoot. I'm a fan of books about ghosts and vampires or wolves but I don't want to see one. Never.

Nagtaasan ang balahibo sa batok ko ng maisip kong may multo sa likod ko.

You're really stupid Clint. Natulog ka na lang sana sa kwarto mo at hindi na nagpunta pa dito. Sinong nasa matinong utak ba ang pupunta ng mag-isa sa gubat na ang tanging dala lang ay cellphone at first aid kit?

Natigil ako sa pag-iisip ng makarinig muli ng tunog. Hindi lang isa, dalawa, tatlo. Palapit ito ng palapit sa direksyon ko kaya ang unang pumasok sa isip ko ay tumakbo.

Naramdaman ko rin ang pagbilis ng tunog sa likod ko.

Hinahabol niya akooooo!

Mas binilisan ko ang takbo, muntik pa akong madapa dahil hindi ko na mahawakan ng maayos ang cellphone ko. Itinapa ko ang ilaw sa harapan, malapit na ako sa tree house. Kaunting takbo na lang.

Muli akong nakarinig ng tunog sa likod ko. Ngayon ay parami ng parami ang naririnig kong tunog, ngunit pare-pareho lamang ito pare-parehong tunog ng mga natatapakang tuyong dahon na palapit ng palapit saakin.

Nakikita ko na ang hagdan, kaunting takbo na lang at mararating ko na ang tree house.

Oh God, please help me. I don't want to die.

Mabilis kong inihakbang ang paa ko sa palapag ng hagdan. Wala akong pakialam kung masira ko ito o makagawa ako ng ingay basta ang tanging gusto ko lang ay makapasok sa loob nito. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay walang pagdadalawang-isip na binuksan ko ito, muntik pa akong matumba dahil sa lakas ng pagbukas ko.

"Shit! Shit! Shit!" nakasandal ako sa likod ng pinto ngayon. Mabilis ang tibok ng puso at habol ang hininga.

Hindi ko alam kung tao ba ang humahabol saakin kanina or kung ano mang mabangis na hayop. Pero whatever it was, I know they want to beat me up.

Makakahinga na sana ako ng maluwag pero mas lalo atang nadagdagan ang kaba ko ng marinig ulit ang galit na boses niya.

"What the fuck are you doing here again?!"

Oh God, kunin Niyo na po ako!

Madilim ang lugar kaya paano niyang nalamang ako nanaman ito?

Stupid, Clint, he heard your voice, dope!

Oh.., right.

Nanginginig parin ang kamay ko ng buksan ko ang ilaw na cellphone ko. Naaninag ko ang mukha niya, may isang dipa ang layo namin sa isa't-isa at sapat na rin ang liwanag ng cellphone ko para makita ang nakamamatay niyang titig.

"I-I a.." hindi ko magawang dugtungan ang sinasabi ko.

Hindi nagbago ang ekspresyon sakanyang mukha, matalim siyang nakatitig sa mukha ko habang ako naman ay parang timang na tumitingin sa kung saan-saan but him.

"Answer me human, what the fuck are you doung here again?" ramdam ko ang pagpipigil niyang sumabog. Fuck I can feel it.

Huminga ako ng malalim. "I-I brought a first aid kit for your w-wound,"

Devils RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon