11:10 [5] Jisoo

699 22 0
                                    

11:10
Chapter 5 - Jisoo
Published Date: 160930

†††

Jisoo's POV

Flashback

" Jinhwan Please! Sumama ka na samin! "Nagmamakaawa ako sa harap niya at pinipilit siyang umalis na sa mundong ito habang nakabukas pa ang portal papunta sa mga Normal na Tao

" H-hindi.... "

" Bakit ba? SABIHIN MO SAKIN!! "sabi ko

" Kung aalis ako dapat kasama si Suhyun~ "

" Wag mo muna siyang isipin! Sabi niya susunod rin siya~ ang mahalaga makapasok na tayo dun..... jebal~ "

Ayaw na namin dito. Masyado nang nilason ang utak ni YG nila Dara, Bom at Minzy, di na namin matitiis ang buhay sa loob.

Ilang oras nang bukas ang portal, Ilang oras naring wala ang Akdong. Suhyun at Chanhyuk. At unti na lang ang oras na natitira para samin.

Bigla niyang kinalas yung pagkakapit ko sa mga kamay niya at naglakad sa direksyon papunta sa kastilyo ng YG, para balikan si Suhyun.

Tumayo ako, " ANO BA JINHWAN! NANDITO NAMAN AKO AH! BAKIT SIYA PARIN INIISIP MO!! ANO BANG GINAWA NIYA SAYO PARA MABILIS KANG MAHULOG SA KANYA!! EH AKO? Ilang t-taon ako nagpakahirap para sayo? Tapos siya lang pala pipiliin mo! "

Huminto siya sa paglalakad at medyo liningon yung ulo niya sakin, At dahang dahan umiling. Pinagpatuloy yung paglalakad niya.

Ang mundo sa loob ng YG ay pinupuno ng kadiliman na binabagay saming kumakain ng laman ng tao. Dati'y sobrang ayos ng pamumuhay ng bawat isa dito, nagbago lahat yun nung namatay ang Grupo nila G-Dragon at nagrebelde ang grupo nila Chaerin o ang grupong 2.ne.1. Ilang taon rin silang nagreyna-reynahan pero ngayon lang kami nabuhayan ng loob para umalis dito dahil sa pagkaroon ng sakit ni Chaerin na dahilan para mapako siya sa pagkakahiga.

Sinundan ko siya hanggang sa puso ng gubat, mahal ko si Jinhwan at di ko siya kayang iwan dahil alam kong may bumago lang sa utak niya para tumingin kay Suhyun,

" S-suhyun? SUHYUN!! "At patakbo siyang pumunta kay Suhyun na kasa-kasama ang kapatid niyang si Chanhyuk

Nagmadali naman akong lumapit sa kanila. Sobrang higpit ng pagkayakap ni Jinhwan kay Suhyun ganun rin si Suhyun sa kanya, " A-aalis na tayo dito, diba? "

" Oo Jinhwan~ ayoko na rin dito... "Sabi ni Suhyun habang hawak-hawak ni Jinhwan yung muka niya

" Bilisan na natin! Baka mahabol pa tayo nila Dara! "Pagputol ni Chanhyuk sa kanilang dalawa

Ayokong nakikita silang dalawa na magkasama pero kailangan ko rin silang tulungan umalis dito dahil kauri ko rin sila.

Patakbo kaming umalis ng gubat papunta sa portal palabas dito sa YG. Sa di kalayuan ay matatanaw ko na ang portal, pero maliit na yun ng paliit

" Jinhwan! Pigilan mo yung portal!! "Sigaw ko habang patakbo kaming lumalapit duon

Binuksan niya yung palad niya at pinilit panatilihin yung portal na nakabukas kahit nasa malayo kami

" Ahh! Kuya!!! "Boses ni Suhyun

Napatingin kaming dalawa ni Jinhwan sa likuran, at isang katawan ng lalake ang nakahilata sa lupa na may nakatusok na espada sa bandang puso at naliligo sa sariling dugo

" T-takbo.... "Pilit na sabi ni Chanhyuk

" Kuyaaaaaaa!! "Sabi ni Suhyun habang umiiyak sa harap ng katawan ng kuya niya

Nightmare At Your Daydream ✔ † (R18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon