Bunos Sin [Cellphone x Minzy]

256 12 0
                                    

Bunos Sin = Bonus Scene
Published Date: 170203

[Dixxaster: Trip ko lang ✌]

3rd Person's POV

Naninibago si Minzy sa mga bagay sa paligid niya. Di niya inakaala na maraming bagay na nasa Lugar ng mga Mortal kaysa sa YG Dimension.

Di naman siya natatakot sa mga teknolohiya na nakikita—nagugulat lang :(

Di niya mapigilan mag-obserba sa paligid. Manghang-mangha siya sa bagay na nakasabit sa kisame mawareng umiilaw pa.

"Wow~" sabi niya. Tuwang-tuwa siya sa mga kristal na nakapalibot dun. Yun ang bagay na tinatawag na Chandelier.

Pero?

May isang bagay ang—

KRINGG

Sa kabilang dako ay tumatawag si Jennie kay Hanbin. Sobrang inis na ni Jennie dahil sa bagal na pagsagot ng tawag ni Hanbin, ang di niya alam ay nailapag ni Hanbin yun sa Sala.

Agad nanlaki ang mga mata ni Minzy dahil sa parang parisukat na bagay na biglang umilaw.

"WHAAAAAAAAA!!!!" Sigaw niya.

Biglang siyang na tumba at gumapang palayo sa Cellphone na nagri-ring.

Huminto muna sa pagtawag si Jennie. Kaya na kahinga ng maluwag si Minzy dahil wala ng yung pagri-ring ng Cellphone.

Dahan-dahang lumapit si Minzy sa Cellphone para tignan kung maka-kasama iyon sa kanya.

Habang Si Jennie naman ay na-inis na ng sobra. Kaya itinext niya si Hanbin

1 Text Message Recieved
My Lovely Death: Papatayin kita mamaya. Maghanda kang hayop ka!!

Pumula ang mga mata ni Minzy sa nabasa niya. Humaba ang mga kuko nito sa sobrang galit sa bagay na iyon

‘Walang makakapatay sakin. Hindi ang maliit na nilalang na to’

Inangat niya ang Cellphone at sinimulang panlisikan yun.

"Hindi mo ako mapapatay! Hindi ikaw! Walang may kayang gawin yun sa isang Minzy! Ako ang magiging kamatayan mo! Ipapakita ko sayo kung gaano ako kahayop!!"


"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"

Pinutol, Kinalmot, Hinagis, Inapakabakan at pinira-piraso. Walang awa niyang pinatay ang walang kamalay-malay na Cellphone :(

Hindi niya iyon tinigilan hanggang sa di ma-recognize na Cellphone yun

Hingal na hingal siyang tinitigan yung kawawang Cellphone :( Buti na lang at mura lang ang Samsung sa Korya :(















Bumukas ang pinto at Pumasok si Hanbin."Guys? Sinong nakakita ng Cellpho— YUNG CELLPHONE KO!?"

"ANONG GINAWA MO SA CELLPHONE KO? :'("

Nang hinayang siya dahil nakasave pa naman dun yung mga gawa niyang One Shot SPG nila ni Jennie :(


[Dixxaster: at Dito nagtatapos ang ka-cornihan ni DixxasterOriginals :( ]

Nightmare At Your Daydream ✔ † (R18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon