Nightmare At Your Daydream [46] Epilogue: L

245 12 0
                                    

Nightmare At Your Daydream
'Epilogue' Chapter 46 - L
Published Date: 170407

†††

3rd Person's POV

Dystopia Dimensyon

Apat na nilalang ang nakatayo sa tabi ng kama kung saan tahimik na nakahiga ang isang bangkay ng Babae. Dalawa lalake at Dalawa'ng babae ang nagbabantay sa bangkay na ilang dekada nang patay.

Dalawang dekada na nang huling nakatungtong ang Blackpink sa Dystopia Dimensyon. At hindi nila alam kung ano bang nangyare pagkatapos nilang lumabas sa salamin'ng yun dahil binasag na ni Chaeyoung(Rose) ang salamin.

Tahimik ang apat na naghihintay para sa babaeng kukumpleto sa ritual.

Sabay-sabay silang tumingin sa direksyon ng kakarating na babae. At lumuhod saglit.

"Napatay na ba ang lahat na dapat iaalay?" Tanong ng misteryosong babae na balot na balot ng itim na tela ang katawan.

"Opo." Sagot ng isa sa dalawang babae.

Ang buong alam ng black pink ay walang nabuhay dahil sa dapat na huling sigaw ng bangkay ni Chaelin, pero-- ang di nila alam ay walang na ganap na Black Echo na dapat na papatay sa marami'ng nilalang sa loob ng Dimensyonal na yun.

"Suhyun, akin na yung espada." Sabi nito sa isang babae. Tumango yun at kinuha ang espada tsaka inabot sa misteryosong babae.

Nang nakuha ang espada ay agad nitong hiniwa ang pulso nito at tsaka iniabot kay Suhyun para gawin rin ang ginawa nito.

"Ahh" mahinang sabi ni Suhyun nang nahiwa na niya ang pulso niya. "Hayi~" at inabot niya ang espada sa isa pang babae na nagnangalang Hayi.

Hiniwa rin ni Lee Hi ang pulso niya at pinasa sa lalaking nagngangalang Chanhyuk. Ginawa niya rin ang ginawa ng tatlong babae at ipinasa ang espada sa nag-iisang huling lalake.

Nang matapos hiwain ang pulso ay binalik niya ang espada sa misteryosong babae.

Tinapat nila ang mga pulso nila sa bangkay. Tangging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng limang nilalang.

Pero, ang isang lalake ay nag-aalinlangang pang-ilagay ang kamay niya.

Tumingin ang misteryosong babae na nagsisilbing leader nilang lahat.







"Kupimook, kung mahal mo si Lisa, gagawin mo'to." Sabi niya sa lalakeng nagngangalang Kunpimook.

Tumango siya ng isang beses at tinapat ang kamay sa bangkay ni Chaelin.

May sinabing mga ritual ang misteryosong babae at nagsimulang mamanhid ang mga kamay nila. At sa isang iglap ay parang hinihiwalay ang kaluluwa nila dahil sa sakit ng mga pulso nila.

"AAAAAHHHHHHHH!!!!!"

†††

Rosé's POV

Mall

"Maam, welcome to McLlibee. What's your order?" Sabi ng staff nila.

"May beef steak kayo?" Sabi ko.

"Meron po Ma'am, Well-done po ba?" Sabi niya habang tinatap ang monitor sa harap niya.

"No, Yung di masyadong luto. Yung may dugo-dugo pa." Sabi ko. Napatingin naman siya sakin.

"Buntis kase ako eh, Naglalaway ako sa mga hindi well-done." Sabi ko.

"Okay Ma'am. Please wait na lang po." Sabi niya at binigyan ako ng number.

Umupo ako may table na for two lang. Dapat pala nagsama pa ako ng isa. Hirap kase pagmahal mo sarili mo eh, Dapat i-dadate mo sarili mo, Dapat bibilhan mo ng gamit yung sarili mo, katulad ng ginagawa ko palagi. Because I love myself.

Kailan kaya may magmamahal sa akin bukod sa sarili ko?

Dapat nagbitbit ako ng kahit isa sa mga bulilit dun sa bahay -_-

"Nyayby nyori na, Nyito to oh, May ngingalo ako nyayo." Nya-- sabi ng isang lalake malapit sa pwesto ko.

"Nyayoko niyan! Nyiaway myo ko! Ni ngita mate!" Sabi naman ng babae.

Ang cute nilang tignan mag-away pero ang gulo nga lang nang conversation nila. Buti pa sila pede-pedeng mag-away at magbati.

Simula nang makita at makilala ko ang lalakeng pinangarap ko ay nagsimula na akong mag-imagine saming dalawa. Ideal couple ko talaga yung palaging nag-aaway pero nagbabati bago pa sila matulog sa araw na yun. Pero ano pa nga bang magagawa ko? kung hindi mangarap na lang ulit.

Pero mas masakit ngayon-- dahil wala na yung pinapangarap ko. At walang kasiguraduhan kung kailan babalik. Kung maalala pa niya ako.

Pagkatapos kong kumain sa McLlibee. Nag-ikot-ikot muna ako sa Mall. Masarap magdate mag-isa dahil wala kang iisipin kung di sarili mo pero-- boring mag-isa.


"Ayy! Shorry po Ma'am di ko po shinashadya." Sabi ng isang babae nang natapunan niya ako ng dapat na panglampaso sa pants ko. Bulol ata sa 'S'.

"Lyka Noyo." Sambit ko nang nabasa ko yung nameplate niya.

"Ma'am. Pleashe, Wag niyo po ako ishushumbong kay bossh. Pleashe. May binubuhay pa po ako~ Pleashe." Sabi niya sabay luhod sa harap ko.

"No, okay lang. Pahingi na lang ng pamunas para ayokong magdumi pa sa loob ng mall eh." Sabi ko.

Medyo tuyo na yung pants ko. Tsaka ako umikot-ikot sa department store para bumili ng bagong pants at undie.

"Here's your change ma'am. Thank you. Happy to serve." Sabi ng staff.

Nagtungo na ako sa isang Counter Lounge para nagbihis ng pants ko. Nilabas ko yung nabili ko at pinagmasdan. Its a ripped jeans.

"Sino bang nagsabing magripped jeans ka? Ha?"

"Bakit ba? Trip ko eh?" Ngumisi siya sakin at nasimple kaming natawa sa mga sinabi namin.

Tumingin ako sa salamin. Pinunasan ko yung luha ko na hindi ko namalayang nagcommute mula sa mata ko papunta sa pisngi ko.

Sinuot ko yun, at pinagmasdan.

"Goo Junhoe koo~"

†††

[Dixxaster: Lyka Noyo is my fictional Character in my Chat Series of Choi Youngjae 'Hardest-Headed' Got7 FF. I hope basahin niyo rin po yung story na yun. But Still Unpublished]

Nightmare At Your Daydream ✔ † (R18) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon