Tadhana

261 7 0
                                    

Sabi nga ang taong para sa iyo ay makakatagpo mo
Di man sa oras na ito
Ngunit baka sa tamang panahon
Maghintay baka isang araw ay makasalubong pag nagkataon

Kaya nung una kitang makilala ako ay humanga agad sa iyo
Humihingi ng senyales kay tadhana na ikaw na ba?
Tinignan kang muli at pagtibok ng puso ko ay bumilis ng bumilis
Bumilis ng bumilis ang tibok na parang hinahabol ng maraming kabayo

Kay bait ng tadhana di na ako pinahirapan pa
Paghahanap sa iyo ay nadalian pa
Dahil ikaw na mismo ang dumating ng kusa
Ng walang sabi sabi at babala

Kaya naman malaking pasasalamt kay tadhana
Dahil pagmamahal na inaasam binigay mo na
Nakilala kita sa di inaasahang panahon at pagkakataon
Kahit na ako ay di umaasa na ikaw ay makikita mapa hilaga man o kanluran

Tintang ItimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon