Kamusta

336 6 0
                                    

Kamusta ka na?
Sana ika'y ayos lang
Sana ika'y masaya na
Kasi ika'y nasa piling na niya

Hindi ba't siya ang kasiyahan mo?
Siya ang iniaalayan ng pag-ibig mo
Dahil umpisa palang alam ko na
Ikaw ay minamahal na iba

Kamusta ka na?
Sigurado akong masaya ka
Kasi pinalaya na kita
Malaya ka na para sa kanya

Siguro nga ikaw ay sobrang saya
Dahil sa wakas nasa piling ka na niya
Malaya na kayo
Pwede na kayo

Ayos lang ako na masaktan
Basta ikaw masaya na
Ayos lang kahit wala ka na sa tabi ko
Basta maging masaya ka kahit hindi sa piling ko

Masakit man ito ngunit kailangan tanggapin
Tayong dalawa hindi talaga para sa isa't isa
Kaya wag ng ipilit pa
Tama na, sobra na

Kamusta ka na?
Kahit tayo ay hindi na nagkikita
Namimiss na kita
Pero ayos lang

Kamusta na ako?
Ayos lang ako dahil ikaw ay masaya na
Ayos lang kahit ikaw ay wala na
Sa aking piling kundi sa piling niya

Tintang ItimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon