Wala na

173 5 0
                                    

Wala na ba talaga?
Wala ng pagasa na buuin pa natin ang lahat
Ang mga nasira ay muling bubuuin
Ang pagsasamahan ay lalong patitibayin

Wala na ba talagang tayo?
Wala na ba talagang pagasa?
Na ang lahat ay babalik sa dati
Na tayo ay magiging masaya muli

Hindi na ba talaga kayang iayos ang lahat?
Hindi na ba natin kayang maging masaya?
Dahil ba ika'y nagsasawa na?
O Dahil ika'y may iba na?

Bakit ganito kasakit tanggapin
Na sa lahat ng pinagsamahan natin
Tinapon mo nalang ng basta basta
Hindi mo man naisip na ako ay masasaktan

Bakit ba ganito nalang
Habang ako ang iyong kasama
Hindi ka masaya
Pag siya ikaw ay masaya

Hindi na ba natin maaayos muli
Pagmamahalan na tila nawaglit
Ating pagsasama na nawala
Ating pagmamamahalan wala na

Hindi ko matanggap lahat ng ito
Na lahat ng ating pinaghirapan napunta sa ganito
Bakit hindi natin buuin muli
Ating mga nasirang bahagi ibabalik uli

Ikaw ay tititigan na lamang sa malayo
Kahit na labis na nasasaktan ang aking puso
Titiisin ang lahat basta ikaw ay makitang masaya
Wala na talaga, wala na

Tintang ItimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon