Papalapit nang papalapit si Brylle sa aking pwesto. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang tumitig sa kanyang papalapit na bulto. Ang kaninang malayong espasyo na naghihiwalay sa aming dalawa ay unti-unting nagsasara. Hanggang sa tuluyang nakalapit sa akin si Brylle, isang dangkal ang layo.
"B-br-ylle." Nauutal kong sambit sa pangalan niya. Napalunok na lang ako ng laway nang titigan niya akong muli. Mga titig na tila tumatagos sa aking kaluluwa. Hindi ko alam pero muntik na akong panghinaan ng tuhod sa tensyon, kaba at di-maipaliwanag na pakiramdam sa presensya niya. Ibang-iba sa normal na pagtatagpo ng aming mga mata.
Sa sobrang nakakaakit niyang pagtitig ay napaiwas na lang ako ng tingin. Niyuko ko ang aking ulo at huminga nang malalim.
"Red." Tila paos niyang pagtawag sa aking pangalan na nagdulot ng kakaibang kuryente sa aking katawan.
Agad naman akong napataas ng tingin. Bago pa ako makaalma ay mabilis na lumapat ang kanyang malalambot na labi sa aking mga labi.
Tila isang kidlat sa sobrang bilis ng pangyayari. Sobrang gulat ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon na naging dahilan upang hindi ako makagalaw mula sa aking pwesto. Nanlaki rin ang aking mga mata dahil doon.
Bago pa tumagal ang paghalik sa akin ni Brylle na hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko nagawang gantihan at sa parehong pagkakataon ay hindi ko rin naman din nagawang pigilan ay bumukas ang pinto ng palikuran.
Pumasok ang huling taong nais kong makita sa sitwasyon namin ni Brylle. Walang iba kung hindi si Simon. Sandali lamang siyang nahinto sa kanyang nakita at saka dumiretso na sa may urinal at umihi.
Agad ko naman itinulak si Brylle sa sobrang tindi ng pangyayari na hindi ko maintindihan ngunit nagdulot at naging dahilan upang magrigodon ang aking dibdib. Marahil ay dala lamang iyon ng tensyon. Ngunit paano ko maipapaliwanag ang pagganti ko sa kanya ng halik? Ang kakaibang bagay na aking naramdaman nang magkatitigan kaming dalawa habang magkalapat ang aming mga labi?
Bumalik naman ako sa realidad ng biglang sumara nang malakas ang pinto sa kagagawan ni Simon. Nakita ko lang si Brylle na nakangisi habang mariin na nakatingin sa akin. Namula naman ako bigla dahil sa kanyang nakakalokong titig.
"Oh bakit ka namumula Red? Nabitin ka ba?" Preskong pagkakasabi ni Brylle na sinabayan niya pa ng mahinang pagtawa.
"Putang---" pagmumura ko sana ngunit nagsalita siyang muli dahilan upang hindi ko matapos ang aking sasabihin.
"Mumurahin mo pa ko sa sarap Baby Red? Tara ituloy na natin sa bahay." Sambit niya habang tinataas-baba ang kanyang kilay.
Lalo naman akong namula, hindi ko alam pero parang nagustuhan ko nga ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Sa sobrang hiya ko ay walang likod-tingin kong tinungo ang pintuan at saka ako bumalik sa pila sa may Admin. Narinig ko pa ang pagtawag nito sa akin ng Baby Red, ngunit hindi ko na lang pinansin sa sobrang kahihiyan.
Saktong pagbalik ko sa pila ay isang tao na lang at ako na ang mag-eenroll, Nakita pa ako ni Trey at kumaway pa ito na ginantihan ko naman ng malawak na ngiti. Hindi ko alam pero biglang gumanda ang araw ko kahit alam kong magkasama si Simon at ang boyfriend niyang gaya-gaya ng pangalan.
Sandali akong napahawak sa labi ko. Sariwang-sariwa pa rin ang pangyayari sa pagitan namin ni Brylle.
"Red, alam kong nasarapan ka sa halik ko, pero kailangan mo ng umabante. Slot mo na at nagagalit na yung mga nasa likuran mo." Natatawang sabi nito at tinapik ako sa balikat bago siya bumalik sa kanyang pwesto. Hudas din 'to! Paanong nasarapan ako? Saglit lang kaya yun. Ulitin dapat namin!
At bago pa ako lamunin ng mga tao sa aking likuran ay umabante na ako. Ilang minuto lang ang nakalipas ay tapos na rin ako. Nagpasya na akong umuwi sa bahay at magpahinga dahil malapit na rin at pasukan na.
Habang matiyaga akong naghihintay sa waiting shed ng daraan na jeep ay may isang hindi pamilyar na kotse ang huminto sa aking harapan. Agad naman akong napalayo sa sobrang takot at kaba gayong wala akong kasabayan na naghihintay ng jeep. Hirap talaga kapag ikaw lang ang mahirap sa school eh, ikaw lang ang walang sariling sasakyan. Haaaays.
"Sakay." Utos ng boses sa loob ng sasakyan.
Dahil hindi ko naman siya mamukhaan sapagkat kaunting parte lang ng bintana ang ibinaba niya ay hindi ko na lang pinansin.
Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang bumusina ng malakas ang kotse dahilan para mapatingin ako dito.
Kasabay ng pagtapon ko ng tingin ay siyang pagbaba ni Brylle sa kotse. Iba na naman kotse ng hinayupak? Anak-mayaman talaga! Sa isip ko pa habang sinusundan siya ng tingin.
"Gusto pinagbubuksan pa ng pinto eh. Sakay na Red." Sambit nito at pinagbuksan pa nga ako ng pinto.
Hindi naman ako nagdalawang-isip na sumakay dahil bukod sa libre ang pamasahe ko ay marahil ito na ang paraan ni Brylle na pagsasabi sa akin na hindi na siya galit sakin.
**
"Kamusta?" pambasag na tanong ni Brylle sa tahimik na atmospera sa loob ng sasakyan.Tinignan ko muna ito at seryoso lamang siyang nagdadrive. Sobrang gwapo din talaga nitong si Brylle. Mula sa kanyang malamlam na mata, sa makapal ay maayos na tubo ng kanyang kilay, ang kanyang matangos na ilong na ang sarap mag-slide, sa kanyang makinis na pisngi, sa papatubong balbas sa kanyang baba, at higit sa lahat ang kanyang maninipis ngunit mapulang labi na natikman ko kanina lang ay tila isang mansanas sa paraiso na inaakit akong muli.
Napalunok ako bigla sapagkat nawalan ako ng laway.
Nagulat ako ng magsalita itong muli kahit hindi ko siya sinagot sapagkat nahulog ako sa lalim ng pagkakatitig sa kanyang gwapong mukha. Idagdag pa ang kanyang magandang katawan na alam kong alagang-gym.
"Hindi na yata kita kailangan ligawan eh, mukha kasing ikaw pa ang manliligaw sakin." Natatawa nitong wika at sinabayan pa ng kindat ng sandali itong tumingin sakin.
Umiwas naman ako agad ng tingin at alam kong sobrang namumula ako sa aking kinauupuan. Hindi ko na itatanggi pero kinilig talaga ako sa simpleng banat ni Brylle. Unti-unti ng nagkakalinaw ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Ang pagkakapipi ng aking bibig sa mga sandaling tulad nito.
Pinilit kong kumalma bago ako nagsalita.
"Ang kapal mo! Bakit naman kita liligawan Lopez? Ha?" Pag-iinarte kong tanong.
"Dahil bukod sa gwapo ako ay matalino at mayaman ako! Naglalaway ka na nga sakin." Preskong sagot nito.
"Mukha mo! Kung gusto kita edi hindi sana si Simon ang ginawa kong boyfriend." Panghuhuli ko sa kanya.
"Oo na Red, alam kong si Kuya Simon ang mahal mo." Seryosong sagot nito at hindi na itinuon sa akin ang pansin hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay namin.
Hindi na rin ako nagsalita pa dahil baka kung ano pang masabi ko, parang tanga kasi 'to si Brylle minsan, binibiro lang naman ang seryoso masyado.
Hindi ko naman maitatanggi na nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko si Simon at ang bago niya pero hindi ko rin maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko kanina. Nang mga sandaling naglapat ang aming mga labi. Alam kong makakalimutan ko na rin si Simon.
"Pasok ka muna Brylle" wika ko dito.
"Hindi na Red, ikamusta mo na lang ako kay Kuya Greg, kita na lang tayo sa pasukan" sambit nito.
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Hindi ko alam pero ang gwapo rin talaga ni Brylle. Lalo na nung ngumiti siya at kumaway rin pabalik sa akin.
Bago ako humakbang papasok sa gate ay muli akong tinawag ni Brylle.
"Seryoso ako Red, liligawan talaga kita." Sambit nito at kasunod ay ang mabilis na pagharurot ng kanyang sasakyan.
Isang tunay at matamis na ngiti lamang ang gumuhit sa aking labi. Marahil ay ito na ang tamang panahon para sa aming dalawa ni Brylle. Perpektong pagkakataon upang tuluyang kalimutan si Simon sa aking buhay at papasukin si Brylle.
I T U T U L O Y . . . . .
Please do leave some comments. I need 200 votes for the next chapter. Trust me, things are just getting started so bear with me. School works is a damn thing but I need to prioritize it. Thanks for patiently waiting and understanding.
--
ImGrey