VIII. The Guest

4.9K 342 105
                                    

Sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay bigla na lamang akong nagising. Agad kong tinapunan ng tingin ang orasan na nakasabit sa dingding ng aking kwarto at ng makitang alas-syete pa lamang ng gabi ay pupungas-pungas akong tumayo sa aking kama. Sakto naman na tumunog ang aking tiyan na tila naghahanap na ng matutunaw na pagkain at nagsisimula ng mag-ingay. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog ako, ang balak ko sana'y umidlip lang at saka gumising din kaagad upang maghapunan at usisain ang kaganapan sa kwarto ni Gregoryo. Kung bakit naman kasi hapon naisipang magdala ng kaungulan sa kwarto! Hindi man lang umupa ng kwarto. Ang cheap, mga pisti!

Diretso kong tinungo ang kusina at tinignan kung ano ang pwedeng ulamin. Hindi na rin lumilindol sa kabilang kwarto kaya sa tingin ko ay wala na ang bisita ni Kuya. Hanep talaga!

Saktong pagtalikod ko patungong lababo ay siya mismong labas ng isang pamilyar na tao mula sa aming banyo. Take note, banyo namin!

Mula sa maamo nitong mukha, sa tatlong pulgadang tangkad nito kumpara sa aking taas at ang maputi at magandang pangangatawan ay walang duda, hindi nga ako dinadaya ng aking mga mata.

Muli kong ipinikit at ibinukas ang aking mga mata ngunit hindi nagbago ang taong nasa aking harapan. Tila gulat na gulat at namumutla ang kanyang ekspresyon. Marahil hindi handa sa tagpong katulad nito.

Ang pagtulo ng butil-butil ng tubig mula sa kanyang buhok patungo sa kanyang perpektong katawan na tila kaiinggitan ng karamihan ay hindi maikakaila na katatapos lamang niyang maligo.

Hawak ang pamilyar na tuwalya at suot ang paboritong jersey short ni Kuya Greg na kulay abo ay isang konklusyon ang nabuo sa aking isipan.

Sandaling napatigil sa pagproseso ang aking utak at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Bigla akong naguluhan sa kaganapan gayong kitang-kita naman ang kasagutan. Kahit gustuhin ko man siyang sugurin at paratangan ng mga bagay-bagay ay mas pinili ko ang usisain na lamang siya sa maayos na paraan.

"Anong ginagawa mo dito Austin?" Pigil-hiningang tanong ko rito. Pilit na pinapakalmang muli ang sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim.

"Ahm, ano kasi Red, ano... Ahmm--" di-mapakaling sagot nito na di-halos makatingin sa aking mga mata.

"Ano Austin? Bakit ka nga nandito? Wala kayong tubig kaya naisipan mong makiligo? Sagoooot!" Naiinip kong sambit.

"H-hindi sa gano'n Red." Nakayukong sagot nito.

"Eh ano nga? Wala kang short kaya nanghiram ka kay Kuya Greg?" Pang-aasar ko pa. Alam ko naman talaga ang dahilan, gusto ko lang sa kanya mismo manggaling ang pag-amin.

Napaka nitong gaya-gaya na 'to, di pa nakuntento kay Simon at talagang isinasali pa si Kuya Greg sa kakatihan niya. At ito namang si Gregoryo nagpa-akit din. Punyeta! Akala ko straight 'tong kumag na 'to!

"Ano kasi...mahirap kasing ipaliwanag Red, pasensya na. Magbibihis na ko." Wika nito at nilagpasan ako.

"Hep! Sandali lang, huminto ka muna!" Saway ko na siya naman nitong ginawa ngunit hindi na nag-abala pang lingunin ako.

"Anong mahirap ipaliwanag? Mahirap bang aminin na kaya ka nandito ay dahil nangangati ka at si Kuya ang napili mong landiin? Anong mahirap doon? Mas masahol ka pa sa inaakala ko, two-timer bitch!!!!" Walang prenong sigaw ko na siyang dumagundong sa bawat sulok ng bahay.

"Please Red, stop it. Baka magising ang Kuya mo." malumanay na sagot nito.

"Magising? Bakit magigising, eh mukhang pinagod mo!" Nanggagalaiting dagdag ko.

"Bata ka pa nga." Umiiling lang na sagot nito.

"Wag mo 'kong mabata-bata Austin! Alam kong malandi ka, at alam kong hindi ka magtatanong kung may gamot sa kakatihan mo dahil walanghiya ka, sasabihin ko sayo...WALANG RITEMED NITO!" wika ko pa.

Lalo naman akong nabwiset sa mga sagot nito. Tila kalmado lang kahit alam niyang siya na ang may mali at tila hindi kinakabahan kahit may nagawa ng kasalanan. Ibang klase rin ang kapal ng mukha ng isang 'to. Saan kaya humuhugot ng lakas ng loob 'tong Austin na 'to. Tibay ng mukha eh!

"Hindi ka gwapo kaya tigil-tigilan mo yang panloloko mo! Wag mong idadamay si Kuya. Utang na loob malandi ka!" Eksaheradong sambit ko na tila mapuputol na ang litid sa leeg sa sobrang galit at panggigigil.

"Tapos ka na bata? Magbibihis pa kasi ako at kailangan kong makipagkita kay Simon. I have to go." Sambit nito at ngiting nakakaloko.

Akmang aalis na ng biglang tumigil at muling humarap sa kinaroroonan ko.

"Wait Red, pareho kasing masarap si Greg at Simon kaya nahihirapan akong pumili." Dagdag pa nito sabay tuluyang tumalikod.

Akala siguro ng hinayupak ay natutuwa ako sa kanya, dali-dali kong kinuha ang stainless na baso sa mesa at inihagis sa kanya. Sapul naman sa likuran si Austin at napa-aray pa sa sakit at sobrang gulat. Pinili ko naman na magtago sa banyo dahil baka maisipan nitong pulbusin ako. Kahit sobra ang inis ko dito ay pinili ko na lang munang mag-isip.

Ilang minuto na rin akong nasa loob ng banyo ng marinig ko ang tunog ng makina ng sasakyan. Hudyat na umalis na si Austin sa loob ng bahay.

Ang kapal talaga ng mukha ng demonyitong 'yon. Talagang proud pa sa kalandian. Akala mo kung sinong anghel na pabebe. Tangina, malanding tunay! Aaaaahhhhh!!!

Lumabas na rin ako ng cr at kaagad na tinungo ang kwarto ni Kuya Greg, ang kaninang gutom na nararamdaman ng aking tiyan ay tila isang bula na nawala na lamang bigla. Ang gutom ay sadyang napalitan ng galit at poot. Hindi ko maaring palampasin ang kalandian ng Austin na 'yon. Kailangan kong ipaalam kay, Simon na niloloko lang siya ng demonyong gaya-gaya ng pangalan at itong si Gregoryo ay kailangang putulan ng alam niyo na dahil sa kakatihan. Pisti!

Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ni Kuya ay nakita ko itong nakahiga sa kanyang kama. Agad ko itong nilapitan at akmang sisigawan upang magising rin sa kanyang kalandiam ng maamoy ko ang hininga nitong amoy alak.

Tila nawala lahat ng galit ko kay Kuya Greg. Marahil nadala lang siya ng alak kaya't may nangyari sa kanila ni Austin at malaki ang posibilidad na inakit lang siya nito. Ngunit ang malinaw ay hindi naging tapat si Austin kay Simon at nais pa nitong sirain ang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa.

Maging ako na nakakaalam ng totoo ay naguguluhan. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Simon ang totoo upang habang mas maaga ay maghiwalay na sila ni Austin. Ngunit kaakibat naman nito ay ang posibleng hindi magandang kahihinatnan ng pagkakaibigan ni Kuya Greg at Simon.
Pinili ko na lamang lumabas ng kwarto ni Kuya at dumiretso sa aking kwarto. Agad na tinungo ang maliit na lamesa sa gilid ng aking kama. Sandaling kinalikot ang aking cellphone. Kahit puno ng katanungan sa aking dibdib ay pinili kong pindutin ang call button ng numerong aking nais kausapin.


0997526++++
Dialing....





I T U T U L O Y . . . . .


*PLEASE VOTE AND COMMENT! IF YOU LOVE THIS CHAPTER. FUEL MY PASSION.

*PLEASE DO READ MY OTHER STORIES & DON'T FORGET TO FOLLOW ME! THANKS.


--
ImGrey

Oh Boy, He Got A Phone! [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon