"Miss me?" Pambungad kong bati sa kanila habang nakangiti ng nakakaloko.
Natahimik naman silang tatlo sa pagtawa dahil sa pagdating ko. Mababakas sa mukha ni Austin ang labis na pagtataka. Marahil ay hindi niya ako kilala.
"Oh bakit naman natahimik kayo?" Dagdag ko pa habang tumatawa ng sarkastiko.
Dahil pabilog ang mesa na kinakainan namin ngayon ay magkatapat kami ni Austin at nasa gitna namin si Simon samantalang nasa harap ko naman si Gregoryo. Akala siguro nitong gaya-gayang 'to!
"Excuse me po? Anong kailangan niyo?" Inosenteng tanong ni Austin na tila naguguluhan sa bigla kong pagsulpot sa masaya nilang eksena kanina. Binigyan pa ako nito ng tipid na ngiti bago bumaling kay Simon at Kuya Greg.
Napamura na lang ako sa loob-loob ko. Kampon yata ni Selena Gomez 'tong si Austin at tila paboritong kanta ang Kill 'em with kindness! Hindi yata magandang magpakita ako ng kagaspangan ng ugali. Alam kong hindi mabait 'tong Austin na 'to, nararamdaman kong may bahid ng kasamaan ang budhi nito.
Inayos ko ang aking pagkakaupo maging ang aking ngiti. Ang unang ideya ko na awayin sila sa pamamagitan ng pagiging magaspang ang ugali ay dagling nagbago dahil sa gaya-gaya na kaharap ko. Impostor! Sarap gawing pambala sa canon.
"I'm Red, and you're Austin right?" Pagpapakilala ko kasabay ng isang matamis ngunit puno ng kaplastikan na ngiti ay inilahad ko ang aking palad upang makipagkamay.
Nagtataka man ay kinuha niya ito't nakipagkamay na rin sa akin.
"Kapatid ako nitong lalaking 'to." pagturo ko kay Kuya Greg na umiiling-iling pa.
Bakas naman sa mukha niya ang gulat ngunit sandali lamang iyon at napalitan din ng isang malapad na ngiti.
"Ikaw pala yung kapatid ni Gregory? You're so cute. Nice to meet you Red." Masayang sambit nito.
"Hindi ako cute ano ka ba!" Natatawa kong sabi dito.
"No, you're really a cute guy! Di ba love?" Tanong ni Austin kay Simon.
"H-ha? Hindi naman siya cute l-love." Nauutal na sagot ni Simon.
Anak ka talaga ng hudas Simon! Kapal ng mukha.
Agad akong namula sa sagot ni Simon at ngumisi pa ito sakin ng nakakaloko.
"Kuya Simon? Magboyfriend kayo ni Austin?" Kunwari kong tanong at talagang inexaggerate ko ang reaksyon ko. Manginig ka ngayon!
Masamang titig naman ang pinukol nito sakin bago sumagot.
"Yeah. He's actually great, and handsome." Sagot ni Simon na direktang nakatingin sakin at hinalikan pa si Austin sa labi.
"Ay nako Austin, mag-ingat ka dyan kay Simon bukod sa loko-loko yan, manloloko din yan!" Pagbabanta ko kay Austin na sinabayan ko ng tawa. Sana maniwala si Austin sa mga pinagsasabi ko. Mahabaging diyos ng kasinungalingan tulungan niyo po akong maghiwalay sila!
"Hindi naman siguro, mabait naman 'tong si Simon. Pero tama ka maloko nga, pero loyal yan sakin." Sagot nito na tila inlove na inlove pa ang pagkakasabi.
Tahimik lang naman si Kuya Greg at nailing lang si Simon. Hindi siguro natatakot sa mga kasinungalingan na sasabihin ko. Siguro mahal na mahal na nila ang isa't-isa.
"Wag kang papakasiguro Austin, yung EX nyan ni Kuya Simon? Nako niloko lang niya. Ingat ka ikaw rin!" Pagsusumbong ko.
Tumingin naman si Austin sa pwesto ni Simon. Tila humihingi ng sagot.
"Binibiro ka lang niyan ni Red, alam mo naman na hindi kita lolokohin love." Sambit nito at inakbayan pa si Austin.
Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Bumalik yata lahat ng sakit na balak kong iparanas kay Simon at Austin ngayong gabi sakin. Palpak talaga ako sa mga ganitong bagay. Hindi ko na alam kung paano ako makakapasok muli sa buhay ni Simon.