05 - Homeless

24 1 0
                                    

"S-sa labas na lang ng village mo 'ko ibaba." pagbasag ko sa katahimikan namin sa biyahe.

"Okay." akala ko ay kokontra pa siya. Pero dahil yata sa kanina ay nakuha niyang sundin ako.

"'Y-yong.. 'Yong sa kanina-"

"Let's not talk about it anymore."

Iyun na ang huli niyang sinabi hanggang sa maibaba niya 'ko sa labas ng village. Akala ko hihintayin niya pa ako makapasok sa loob pero hindi na. Pagkababa ko pa lang ay agad siyang umalis nang walang pasabi.

Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Pero siguro nga dapat pa akong matuwa.

Nang hindi ko na siya matanaw ay agad akong sumakay ng tricycle papunta sa apartment. Medyo may kalayuan kaya't mahal ang bayad pero hindi ko na kakayanin pa kung magiilang sakay pa ako.

Pagdating ko sa apartment laking gulat ko na makitang nasa labas ang ilang damit ko.

Saktong lumabas sa unit ko ang may-ari.

"Madam bakit po—"

"Aba buti at bumalik ka pa! Kunin mo na 'yang mga basura mo at baka wala pang umupa sa apartment ko kung makikita nila 'yan. Oo nga pala, binenta ko na 'yong laptop mong laspag na at ilang branded mong gamit. Kaya lang, kulang pa rin sa utang mo! Siya alis na!" saka niya ako tinalikuran.

Pero ano raw? 'Yong laptop ko!? 'Yon na lang ang natitirang ala-ala sakin ng magulang ko! Hahabulin ko sana siya kaya lang kung mamalasin ka nga naman, kapag tipong sobrang lugmok na 'yong bida sa isang kwento..

Dadamayan siya ng ulan.

Haha. Ano ba 'tong buhay ko drama? Na parang nasa mga palabas. Ang cliche naman!

Mabagal akong kumilos para ligpitin ang nagsabog kong mga gamit kaya't nang matapos kong pulutin ang mga 'to basang basa ako at lahat ng gamit ko.

Walang sense kung magmamadali ako lumakad, bukod sa masakit pa talaga ang katawan ko.. Basa na rin ako.

'Yong ibang nakakakita nga sa'kin akala yata baliw ako e. Wala akong pakealam. Kung gusto nila gayahin nila ako.

"HAAAAAATCHOOOOO!" tsk. Nasipon na 'ko. Tumila na ang malakas na ulan nang makarating ako sa pinakabayan. Saktong paghinto ko, nasa tapat pala ako ng isang pawnshop.

Wala na akong pera, 300 na lang natira sa sahod ko noon, isang linggo pa bago ulit ang sahod. Kailangan ko ng pera at ng bagong matutuluyan.

Walang dalawang isip pumasok ako ng sanglaan.

"Hala ma'am, basang basa ho kayo." puna ng guard. Nginitian ko na lang siya. Akala ko palalabasin niya 'ko e.

"Magkano po sanla nito?" dinukot ko ang iPhone6 sa bag ko, napanalunan ko lang ito sa raffle sa office. Buti na lang leather 'yong bag ko sa trabaho kaya 'di nabasa ilang gamit ko kasama cellphone.

"Ah ma'am, 7,000 po todo na 'yon mam." hala ang liit naman? Pero pwede na siguro 'yon.

"Okay po sige." Kaysa wala.

Matapos ko magsanla siniguro kong naka-secure ang pera sa bag ko. Naghanap din ako ng mabibilhan ng mga damit pamalit.

Sa ilang buwan na nabuhay akong mag-isa, natutunan ko ang buhay na simple at matipid. Natuto akong bumili ng mumurahing gamit. Namili ako ng tatlong t-shirt muna, tatlong short at isang pantalon saka mga panloob sa tiangge.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Ko o Mahal Ako (SUPER DUPER SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon