Nagising ako sa hindi pamilyar ngunit komportableng kwarto.
"Why? Ayaw mo ba 'kong pakasalan?"
Parang isang switch ang mga salitang ito ni Sehun sa ala-ala ko dahil awtomatikong naramdaman ko ang palatandaan ng nangyari kagabi.
Unti-unti akong umupo para bumangon nang may mapansin akong malaking t-shirt sa side table. Sa tingin ko kay Sehun 'yon, may kasama itong note.
When you woke up wear it. And just stay here.
Para pala sa'kin. Naisip niya sigurong sinira niya ang damit ko. Psh. Muli akong gumalaw palapit sa side table pero natigilan ako sa sobrang sakit. Sht. Anong oras na may trabaho pa nga pala ako.
Kasabay ng pagtitiis sa sakit ang dasal na sana kayanin ko ang nararamdaman ko, tumayo na 'ko. Kailangan kong magtrabaho.
Nang maisuot ko ang damit na hanggang gitna ng hita ko ay hinanap ko ang pangloob ko. Putek wala. Dahan dahan akong lumakad palabas ng kwarto. Tsk, nasa kotse ng walang'ya ang mga gamit ko.
Medyo may kahabaan ang hallway na nadaanan ko bago sumapit sa sala, may dalawang pinto rin akong nadaanan bukod pa ang pinanggalingan ko.
Sa bandang sala narinig ko ang tunog ng pagtatama ng dalawang bagay. May naamoy din akong mabango. Nakakagutom!
Lumakad ako papalapit sa tingin ko ay kusina. Kaya lang nawalan ako ng balanse dahil sa sobrang sakit ng pagitan ng mga hita ko kaya't nasagi ko ang isang vase na mukhang mahal pa sa sinasahod ko buwan buwan.
"Sht!" Kasabay ng mura ko ang pagtakbo sa'kin ni Sehun na naka-jogging pants lang.
"WHAT THE FCK!? 'DI BA SABI KO YOU JUST STAY THERE? NAKABASAG KA TULOY!" Pakiramdam ko tuloy ay nanliit ako. Puny*ta. Vase lang pala ang iniisip niya!?
"SORRY HA!? HAYAAN MO BABAYARAN KO NA LANG!" 'Di ko na napigilan ang sama ng loob kaya't napaiyak na ako. Kasalanan naman niyang masakit ang katawan ko ah?
"D*mn, it's not about that fckng vase!" Kumalma na ang tono ng boses niya.
"Sabi ko mag-stay ka ro'n, because I know it still hurts." Saka niya 'ko binuhat pabalik sa kwartong pinanggalingan namin.
"Fck it. I'm sorry. Stop crying, ang tigas kasi ng ulo mo e. You never follow what I tell you. Just stay here okay?" Tatayo na sana sya nang magsalita ako.
"K-kailangan ko ng umuwi. May–may trabaho pa 'ko." Biglang nag-soft ang facial expression niya.
"Just make an absent for today. 'Di mo kakayanin. You'll eat breakfast dito mismo. Just wait for me. Please, obey me this time."
Tuluyan na siyang tumayo pero sumagot ulit ako.
"H-hinahanap na 'ko sa–sa'min." Pagsisinungaling ko. Wala naman ng hahanap sa'kin e.
"Just.. just tell your parents that you slept to one of your friends. No buts. I'm your boss." Tapos lumabas na siya nang tuluyan. Hays!
Mga sampong minuto bago siya bumalik na may dalang tray sa isang kamay at palanggana sa isa pa.
"Here. Kumain ka na." Pinatong niya ang tray sa side table tapos 'yung palanggana ay sa kama?
"Open your legs." Bigla namang nanlaki ang mga mata ko sa utos niya.
"H-HA!?" Nag-tsk lang siya sa reaction ko tapos ay itinaas niya ang t-shirt na suot ko.
"'W-WAG! TEKA!" Pigil ko sa kamay niya.
"Kumalma ka I will just lessen your pain. Huwag kang green minded." Pakiramdam ko ay namula ako sa statement niya.
"A-anong–Hindi ah! Malay ko ba!?" Pero ngumisi lang ang gwapo. Este gag* sa harap ko.
"Kumain ka na habang ginagamot kita. Okay?" Pero 'di agad ako nakakilos dahil nakatitig ako sa kaniya.
"EAT!" Nabalik naman ako sa realidad at nagsimulang kumain. Unti unti ko rin naramdaman ang paghupa ng sakit kahit paano.
Seryoso niyang pinupunasan ang mga hita ko ng malamig na bimbo. Pagkatapos ay niluglugan ulit sa palangganang may tubig at itinupi nang maayos. At inilagay sa may ano.
Bago pa siya makaayos ng upo ay inialis ko na ang tingin ko sa kaniya.
"There, it will lessen later on. Pagkakain mo ihahatid na kita sa inyo."
Bigla naman akong nagpanic kaya nasamid ako.
"Water! Oh! Ano ka ba!? Magdahan dahan ka nga! Chew your food well before swallowing it!" Tsk para naman akong bata na napagalitan. Sehun will always be Sehun.
"Tss. Sorry po tatay. 'Wag mo na 'ko ihatid sa'min! Baka makita ka ng mga magulang ko. Alam mo namang.. ayaw nila sa'yo."
Halos ibulong ko na lang ang mga huling salitang sinabi ko sa kaniya.
"Alam ko. Alam na alam ko. Maliligo na 'ko. 'Kunin mo na lang 'yung set of clothes na naka-hanger sa closet."
Alam kong may kung anong natamaan sa loob niya dahil sa sinabi ko. Pero kailangan kong sabihin para hindi niya malaman ang totoo.
College batchmates kami dati kaya kilala ko siya. Kaklase siya ng mga kaibigan ko. Mga kaibigan na biglang nawala nang mawala rin lahat sa'min—sa'kin. Kaya kapag may group activity sila isinasama nila 'ko at madalas ka-grupo nila si Sehun. Hanggang sa naging close na kami. At nahulog siya sa'kin, sinalo ko siya. Ang masakit lang do'n, 'di siya natanggap ng mga magulang ko.
Scholar siya sa school. Sobrang talino niya kasi, masipag at pursigido sa pagaaral. Kaya rin nagustuhan ko siya, and later on minahal.
Pero dahil ang pamilya namin ay isa sa pinakamayamang pamilya noon sa lugar namin hindi nila natanggap na ang unica hija nila ay nakipagrelasyon sa isang mahirap. Tipikal na kwentong matapobreng mayayaman.
Pinaglaban ko siya noon pero kundi kami tumigil sa relasyon namin mawawalan siya ng scholarship at walang kahit anong school o kumpanya sa Pilipinas ang tatanggap sa kaniya. Kaya't pinili naming tumigil na. Pinilit kong tigilan na lang. Ayokong masira ang kinabukasan niya at ng pamilya niya. Ganoon ko siya kamahal.
Nagulat na lang ako noong third year na kami nawala siya sa school. Ang sabi sabi ay umuwi ng probinsya nila, sa mga magulang at mga kapatid niya. Ewan ko, basta grumaduate ako ng college never ko na siyang nakita.
Hanggang sa.. isang buwan bago ang graduation. Nagsimula na malugi ang kompanya namin dahil sa pagsusugal ng mga magulang ko. Lahat ng ari-arian namin ay isa-isang nawala sa'min. Buti na lang may savings ako sa bangko kaya ayon, 'yun 'yong ginamit namin sa pag-upa ng apartment na tinutuluyan ko hanggang ngayon.
Kaya lang, no'ng araw na ng graduation, ito rin 'yong huling araw namin sa mansyon namin. Nakiusap kasi kami sa bangko na kinabukasan na lang maglipat ng mga gamit na natira.. at huling araw na rin ng mga magulang ko.
Paalis na kami noon sa bahay papuntang venue ng graduation. Kinatok ko ang mga magulang ko sa kwarto nila pero walang sumasagot, nang buksan ko ito nakita ko ang nanay ko na bumubula ang bibig sa kama. At nang icheck ko ang tatay ko nakita ko siya sa walk-in closet nila. Nagbigti siya. Saya 'di ba? 'Di nila kinaya ang biglaang paghihirap namin.
Sa hiya ko sa ginawa ng mga magulang ko ay pinili ko itong itago sa lahat maliban sa mga kamag-anak na wala rin naman palang pakialam. Mga kamag-anak naming akala ko'y malasakit sa pamilya namin, pero noong nalaman nila ang nangyari daig pa ang ibang tao tinrato kaming parang hindi nila ka-ano ano.
Kaya, mag-isa akong nagluksa noon, dahil simula ng malugi ang kompanya namin ay unti unti na ring nawala ang mga kaibigan kong akala ko ay tunay. 'Yun pala pera mo lang ang kailangan. Ang sinabi ko lang sa kanila nagkakaproblema na ang mga negosyo at kompanya namin pero agad nila akong tinalikuran.
Pinilit kong agad na bumangon, dahil pinangako ko sa mga magulang ko na babawiin ko ulit ang mansyon na ipinundar nila noon. Anim na buwan akong palipat lipat sa iba't ibang trabaho. Kundi kasi over qualified ang requirements ko ay mababang mababa naman ang sweldo.
Hanggang sa sumikat ang KCO company. Ang kompanyang pag-aari pala ni Sehun.
BINABASA MO ANG
Mahal Ko o Mahal Ako (SUPER DUPER SLOW UPDATE)
FanficSino nga ba dapat kong piliin? Yung mahal ko. O yung taong mahal ako? Pero.. Bakit pa nga ba ko mamimili, e yung taong mahal ko.. Mahal din naman pala ako. ©RuleBreakerWriter Fangirl story about Oh Sehun of a K-pop group EXO. Wayback 2016 P.S. Fast...