Matapos ang unang insidente tungkol sa suot ko medyo umayos naman ng pakikisama si Sehun sa'kin. Ang mga lalaking empleyado naman e medyo naging ilag sa'kin. I bet may ginawa ang bwisit na 'yon tungkol do'n.
Lunch break na namin, sa may pantry kami kakain after namin makabili ng lunch. May hinahabol kasi kaming project about sa pagdevelop ng system ng company. Nagkaproblema kasi sa security ng isang branch sa Hong Kong. May nakapasok na hacker.
"Guys bilisan natin ah. Baka pagalitan na naman tayo ni Ma'am Glai, alam niyo naman 'yon gusto laging nagpapa-impress kay Sir." Siya si ate Petite isa sa pinaka-close ko sa department namin. Two years na siya sa company. Hindi pa nga raw KCO ang pangalan dati e.
"Wala na tayong pag-asa pare-pareho kay Sir 'no! Nakuha na ni KM ang attention niya." Nakangusong sagot naman ni Je, siya ang isa pang close ko. Tatlo kasi kaming sobrang close.
"Ay nako! Oo nga! Huhu beh, napakaswerte mo." Sagot naman ni Dino na naging Dina haha. Alam niyo na bading hehe. Nakakasama lang namin siya sa ganitong project.
"Ay teka beh, pano kayo nagkakilala ni Sir? Kasi pansin lang namin na parang may something sa inyo tapos sabi nitong si bading e no'ng interview ikaw ang pinakamatagal na nainterview." Lahat naman sila napatingin sa'kin dahil sa sinabi ni Cath.
"Uh.." anong sasabihin ko?
"Ex ko kasi siya." Ang pangit! Parang mayabang?
"Naging kami kasi noon. Kaya lang 'di sang-ayon parents ko." Baka itanong pa nila bakit!
"Huy! Tulaley oh. Anyway, napakaswerte naming mga sumunod sa interview dahil wala ng eme eme hinire kami ni Sir!"
"Talaga?"
"Oo ate Peti! Basta okay you're hired lang no'n si Sir!"
Nagkwentuhan lang sila nang nagkwentuhan. Ayokong magsalita. Ayokong mag-open up ng sarili ko. Sa sobrang libang yata namin ay nalimutan na namin ang oras kaya ayon nagsipag-cram kami. At sa taranta may nakasagi ng iced coffee sa table. Na kung mamalasin ako, sa'kin tumapon.
"AY SORRY BEH!" Si Dino pala.
"Sorry talaga! Teka tanggalin mo na baka mabasa pa 'yong panloob mo!" Nataranta naman ako sa sinabi niya.
"Hala 'di pwede! Fitted 'yung blouse ko sa loob tapos tube pa!" Baka masita ako ni Madam e.
"Sabihin na lang natin na natapunan ka. Ipa-laundry mo kaya sandali?" Suggest ni ate Peti.
"Sige ako na beh. Itakbo ko na balik na kayo sa taas." Dali-daling hinubad ni Dino 'yung blazer ko saka siya kumaripas ng takbo palabas.
"Halika na may jacket ako sa cubicle ko iyun muna isuot mo." Alok ni Je. Habang naglalakad kami papuntang elevator ay napagtitinginan at bulungan kami. Lalo naman ako. Wala akong nagawa kundi ang yumuko na lang.
BINABASA MO ANG
Mahal Ko o Mahal Ako (SUPER DUPER SLOW UPDATE)
FanfictionSino nga ba dapat kong piliin? Yung mahal ko. O yung taong mahal ako? Pero.. Bakit pa nga ba ko mamimili, e yung taong mahal ko.. Mahal din naman pala ako. ©RuleBreakerWriter Fangirl story about Oh Sehun of a K-pop group EXO. Wayback 2016 P.S. Fast...