03 - The Boss

24 0 0
                                    

Three months ago...

"Pasensya ka na hija ah, gusto man kitang tanggapin kaso ay over qualified ka naman. Sayang ka lang dito."

Bigo akong tumalikod sa may-ari ng dalawang palapag na computer building. I.T kasi ang tinapos ko. At medyo matataas naman ang grades ko. At may iba't-ibang certificates ako galing sa magagandang I.T companies.

"Pero may alam akong opening! Subukan mo sa KCO hija! Hiring sila ng iba't ibang trabaho at kahit anong tinapos mo ay maaari ka roon. 'Yung kapitbahay namin undergrad ng kolehiyo ay for interview na!"

Napabalik ako sa harap niya dahil sa sinabi niya.

"Talaga ho!? Sa'n ho 'yan!?" Agad niyang ibinigay sa'kin ang address ng kompanya. Hindi ko kasi ito alam. Ngayon ko lang narinig ang pangalan.

Agad akong nagpunta sa nasabing kompanya. Akala ko maliit lang pero bigla akong nalula. Halos malaki ito sa kompanya namin noon! May 54 na palapag daw ito. Kung suswertihin ako agad daw akong iinterviewin at mismong may-ari ang nagfa-final interview para sa mga new hire.

"CHOI KM." Tawag ng isang babae na tagapagpapasok ng mga aplikante. HR siguro ito.

"Ako po!" Agad akong tumayo at sinenyasan niyang pumasok.

Juicecolored! Ibigay niyo na sa'kin ito kahit anong posisyon pa basta maayos ang sahod.

"Good afternoon Miss?" Paunang bati ng isang babae na kung titignan mo ay mukha namang mabait. Tanghali na nang dumating ako rito kanina ay pinag-exam nila ako agad.

"Ahm, KM Choi po Ma'am. Sir." Apat kasi sila sa loob dalawang lalaki at dalawang babae.

So ayon inabot ng 30 minutes ang tanungan. Medyo pinagkwento kasi nila ako sa buhay ko. Dahil pamilyar daw ang apelyido ko at mga pangalan ng magulang ko base sa resume ko. Kasi nga dati kaming may-ari ng Choi's Group.

Sinabi ko sa kanila na wala na nga sa'min ang company, pero hindi ko sinabing naghihirap na kami. Kaya tinanong nila ano na raw naging focus ng mga magulang ko, gaya ng lagi kong sinasabi—nasa probinsya ine-enjoy ang retired lives nila. Bakit daw ako nandito pa at nag-a-apply sa kanila, sinabi ko na lang na overqualified ako sa mga trabahong mayroon don at hindi ako sanay sa simple at payak na buhay-probinsya kaya sinusubok ko maging independent. Half truth half lie. Ayoko kasing sabihin na wala na ang mga magulang ko.

"Oh, hija, tomorrow morning bumalik ka rito for your final interview sa ating CEO. Mag-prepare ka mabuti ha? Galingan mo."

'Di ko alam kung sincere 'yung isang nag-interview sa'kin o nananakot e? Pero kahit naman 'di niya sabihin ay gagawin ko ang best ko. Kailangan ko nitong trabaho. Dalawang buwan na 'kong walang bayad sa renta.

Kinabukasan isinuot ko ang pinakamaganda at presentableng damit ko.

Pang-13 ako sa iinterviewin. 'Di ko alam kung malas ba 'yon sa'kin o swerte.

"Ay friend gwapo raw kaya si Sir!"
"Ay talaga!?"
"Naku mga ses nakita ko kanina si Sir! Adonis! Owemgee!"
"Hindi ba siya matandang malaki ang tiyan!? Ganun pag ganitong kayayaman na 'di ba!?"
"Ay wit sister! Balita ko single pa nga raw si Sir! Ih!"

Saka pa sila naghagikgikan. Walang'ya. Trabaho ba talaga ipinunta nila rito?

"Choi KM? Pasok na." Ayan na! Humugot  muna ko ng malalim na hininga saka pumasok. Nakatalikod sa view ko ang boss na sinasabi nila. Tanging ulo hanggang balikat lang ang kita ko na nakasandal sa swivel chair niya.

"Choi.. KM."

Dug.. dug..

Saka siya humarap sa'kin. Kung natutunaw lang ako siguro liquid na 'ko. Gano'n din ang lalaking na sa harapan ko.

Mahal Ko o Mahal Ako (SUPER DUPER SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon