Psuedocyesis

1.1K 13 0
                                    

Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito, at higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit sa kanya ko pa naramdaman ang bagay na ito.

Yung pakiramdam na kapag nahuli ka niyang nakatingin sa kanya, magpapanic ka. Yung kapag nakikita mo siya, hindi mo mapigilang mapangiti at para bang nakain mo na lahat ng matamis na pagkaing pwedeng kainin dahil sobrang hyper mo. Yung pakiramdam na kahit hindi ka niya pinapansin, paulit-ulit kang dumadaan sa harap niya. Yung pakiramdam na kapag wala siya, para kang binagsakan ng langit at lupa dahil sa sobrang busangot ng mukha mo. Yung pakiramdam na kapag nakikita mo siyang may kasweetan o kausap na babae o kahit may babaeng malapit sa kanya, halos mamatay ka na sa selos.

Yung pakiramdam na gustung-gusto mo siyang kausapin pero alam mong hindi mo kaya kasi sikat siya at hindi ka niya kilala. Yung pakiramdam na kapag malapit siya, hindi mo mapigilang mag-hold your breath. Yung feeling na para ka nang baliw kasi kahit saan ka magpunta, umaasa kang magkikita kayo at kakausapin ka niya.

Yung pakiramdam na halos mamatay ka sa kilig kapag nakikita mo siyang nakatingin sayo lalo na kapag nagkakasalubong kayo sa daan. Yung pakiramdam na sobrang saya mo kasi sobra-sobra din yung saya na nararamdaman niya kahit hindi naman ikaw yung dahil kung bakit masaya siya. Yung pakiramdam na ang laki na ng eyebags mo kasi hindi ka makatulog ng ayos sa gabi kasi palagi mo siyang naiisip. Yung pakiramdam na parang... parang.... in love ka sa kanya... kahit na isang beses lang naman kayo nag-usap.

"Ate, come!" Sigaw ni Leila sa akin habang nakaupo ako at kumakain ng lunch. Umiling ako at pinagpatuloy ang pagkain. "Ate! Come here! Faster! He's coming!" Nagpantig ang tenga ko sa pagkasabi niya ng He's coming. Agad-agad akong tumayo at nagpunta sa pwesto ni Leila. Hindi si Jesus Christ ang paparating kundi isa sa mga magagandang nilikha ng Diyos.

Nakita kong naglalakad papunta sa direksyon namin si Marc kasama ang mga kaibigan niya. Simple lang ang suot niya. White shirt, varsity jacket, jeans at Vans. Pero kahit na simple lang ang suot niya, hindi ko maitatangging napatulala ako. Pati yung ibang tao, napapatigil kapag nakikita sya. Para syang living Greek god. Kahit na ilang beses ko na siyang nakikitang ganyan ang suot o kahit ata pasuotin sya ng tagpi-tagping damit, kahit na araw-araw ko siyang nakikita, kahit na simple lang siya, at kahit ata ilang beses ko pa siya makita, palagi akong matutulala kapag nakikita kong papalapit siya o dadaan siya sa harap ko.

"Ate, baka pasukin ng langaw. Hehe." Isinara ni Leila ang bibig kong hindi ko alam na nakabukas pala. Mabuti na lang ginawa niya iyon dahil padaan na sa hara--- ay dumaan na! Dumaan na sa harap namin si Marc. Tumingin siya sandali sa akin (at namatay ako for ten seconds dahil nahuli niya akong naka-tingin sa kanya) at nagpatuloy sa paglakad at pakikipag-usap sa girl best friend niyang si Jaylen.

Pumunta sila sa food counter para kumuha ng pagkain nila, habang naglalakad sila, may mga ilang bumabati sa kanila... at syempre, nandun si Conchita. Hinampas ni Conchita si Marc sa braso niya at niyakap naman siya ni Marc. Halatang mahigpit ang yakap dahil halos ihiga na ni Marc si Conchita sa sahig. Parehas silang tumatawa nang maghiwalay sila mula sa pagyayakapan nila at sabay silang apat - Marc, Carlos, Jaylen at Conchita - na nagpunta sa food counter.

Padabog akong bumalik sa upuan ko at tinignan ang pagkain ko. Naririnig ko ang masayang usapan nina Rey at Leila pero hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. Bakit naman sa lahat ng babae, yun pang Conchita Muñoz na iyon? Ang baho ng pangalan! Mas bata pa siya sa amin ng dalawang taon. Ano bang mahirap intindihin sa sitwasyon na iyon? Nakakainis! Nakaka-selos!

"Oh bakit busangot ang mukha niyan?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Jane. Tinignan ko lang siya at inirapan. "Hay nako! Marc, Marc, Marc, Marc. Puro na lang Marc! He's not even that cute, to be honest. And there's tons of fish in the ocean, explore the beauty of nature, Amanda Aragon!" Sigaw niya tapos naupo sa tabi ko at binuksan ang pagkain niya.

One-Shots CompilationsWhere stories live. Discover now