"OMG, Caraaaa!" sigaw ng best friend ko.
"Ano nanaman yun, Jane?" tanong ko tapos tumingin ako sakanya. Halos magsalubong ang kilay ko sa nakita ko pagtingin ko sakanya.
"Ang gwapo gwapo nya dibaaaa?" :3 sabi nya tapos kinikilig kilig pa sya. Napa roll eyes na lang ako sa kanya.
"Whatevs." sabi ko sakanya.
"Tse! Hindi ka marunong mag-appreciate ng kagwapuhan at talent." sabi nya tapos tiningnan nya ulit yung picture na pinakita nya at nilagay nya yung ear phones sa tenga nya. Tss. Malamang makikinig nanaman yung sa mga tugtugin nung Miguel Haleco na yun.
"Baka ikaw. Tss." sabi ko sakanya tapos umalis na ko.
Nakakaloka naman yung bestfriend kong si Jane Haley. Baliw na baliw dun sa Miguel Haleco na yun. E magaling lang naman mag gitara yun e. Sus, kahit sino naman kayang kayang maggitara ng ganun e. Hindi ko talaga magets ang mga tao ngayon. Lalo na yang best friend ko. Masyadong deads na deads dun sa lalaking yun. Tss. Hay! Mga tao nga naman, mahirap intindihin.
Naupo ako sa isang tabi at nilabas ang phone ko. Nakinig na lang ako sa kanta ng Stephen Speaks. Hihi. Oo na, luma na kung luma. Awesome naman yung mga kanta nila. Hehe. *u*
-----------------------
"Ay kabayong bulag!" nagulat ako nang biglang may bumangga saking lalaki tapos naglaglagan yung mga dala kong libro.
Nasa school kasi ako ngayon. Kakatapos ko lang gumawa ng research paper. Tinataranta na ko ng prof ko para dito sa research papers na 'to. Nakakawindang lang maging Mass Media Relations student. -___-
"Ano ba naman yan? Napawalang kwent--- ARAAAAAY!" pag minamalas ka nga naman talaga. Nauntog pa nung patayo na ko. Hawak hawak ko yung mga librong isasauli ko sa public library.
"Excuse me PO, SIR!" galit na sabi ko dun sa lalaking nakatalikod na tapos hinipo-hipo ko yung ulo ko. Nung patayo na kasi ako, tumama yung ulo ko dun sa gitara sa likod netong lalaking 'to. Tingnan mo nga naman oh, hindi man lang nagawang humarap sakin.
"HOY ANTIPATIKONG WALANG MODONG HINDI GENTLEMAN NA MAY GITARANG UNGGOY SA LIKOD! BAKA BALAK MONG MAGSORRY SAKIN DIBA?!" sigaw ko dun sa lalaking nakatalikod. May kausap pala sya sa cellphone nya.
"Osige na, Nef. Basta kita na lang tayo sa gig next week, bro." sabi nya sa kausap nya tapos binulsa nya yung cellphone nya. Teka, Nef? Naririnig ko yun kay Jane ah. Ano nga bang pangalan nun? Nef Pagquestionan nga ba? Ay ewan. Di naman kasi ako fan nung mga yun e.
"Ha? Ako?" humarap bigla sakin yung lalaking sinisigawan ko na kanina lang e may kausap sa phone nya.
"Hindi. Baka ako. Baka baliw ako at kausap ko yung sarili ko." sarcastic ng sabi ko sakanya. Kumunot naman ang noo nya at nagsalubong ang kilay. Parang naguguluhan sa sinabi ko.
"Eh kausap mo pala yung sarili mo e. Edi wag kang mag-ingay dito sa public place. Keep it to yourself." sabi nya tapos ngumisi sya. Yung nakakaloko.
"Kita mo 'to! Napaka antipatiko talaga! Walang modo! Ako na nga 'tong nauntog ng dahil dyan sa unggoy este gitarang nakasabit dyan sa likod mo tapos ako pa sasagutin mo ng ganyan. Bastos!" sigaw ko sakanya tapos inirapan ko sya at naglakad napapalayo.
"Teka, miss. Niloloko lang kita dun sa sinabi ko kanina." sabi nya tapos hinila nya ako sa braso ko pero hindi yung hila na hindi naman masakit.
"At talagang nagawa mo pang magjoke ikaw na ng-----" nanggagalaiti talaga ako. Walang modo ever!
"SORRY NA MISS." Napalakas yung sagot nya pero sincere yung tono tapos nagtinginan yung mga napadaan. Napatigil ako nung tinitigan ko sya. Familiar kasi yung itsura nya. Yung buhok nya na parang bagong gising pero maayos naman at bagay sa kanya, yung pink na labi nya, yung mata at boses nya. Parang... parang si.... Ay erase erase, napakaimposible naman nun. Sus!
