Four letters, one word. Love.
Ano nga ba yung ibig sabihin ng salitang love? Paano mo malalaman na inlove ka?
Love ba yung kapag ba nakikita mo sya tapos napapatigil ka na lang sa ginagawa mo? Yung kapag ba naririnig mo yung pangalan niya, mapapalingon ka na lang bigla? O baka naman yun yung kapag tumitingin sya sayo at hindi mo mapigilang mapangiti?
Love ba yung kapag kausap ka niya at nauutal ka? Yung kapag magkasama kayo, ayaw mo na matapos yung araw na yun at parang tumitigil ang oras mo? Yung kapag hinawakan ka niya, ayaw mong maligo o hawakan ka ng ibang tao kasi ramdam mo pa din yung touch niya? Yun ba ang love?
O baka naman... yung handa nyang ibigay at gawin ang lahat para sayo?
Ano nga ba ang love? Hindi ko din alam kung ano ang tamang kahulugan ng salitang love, pero may isang bagay akong alam...
Minsan sa buhay ko, may nagmahal sakin.
-
Tahimik akong naupo sa upuan ko at kumopya ng notes sa board. Bakit kaya palagi na lang kaming kumokopya ng notes sa subject ng Physical Education? Diba dapat nasa labas kami ng classroom at nilalaro ang sport na pinag-aaralan namin ngayon? Ang labo talaga ni Ma'am.
"Estrella, sinong nakaupo sa likod mo?" Tanong sakin ni Ma'am Joan habang nakaupo.
Tumingin ako sa likod ko. "Wala po, ma'am," Sagot ko.
"Osige, James, dun ka na maupo sa likod ni Estrella," Sabi niya dun sa bagong student. Agad namang naglakad papunta sa pwesto niya yung new student.
"Hi, ako nga pala si James," Pagpapakilala niya sakin habang hinihintay niyang tanggapin ko yung kamay niya para makipag handshake. James. Oo alam ko.
Tinignan ko sya at nginitian ng sarkastiko. "Oo, narinig ko. Sige na maupo ka na. Naiirita ako sayo," Inis na sabi ko tapos ay humarap ako sa board at tinapos ang pagkopya ng notes.
Nang natapos na ang klase, hindi ako sumama sa mga kaibigan ko na pumunta sa cafeteria, sa halip ay nanatili ako sa upuan ko. Nagsusulat ako ng tula habang nakikinig sa aking Ipod nang naramdaman kong may naupo sa tabi ko.
"Bawal yan, ah? Nako kapag may student rep na nakakita sayo, siguradong next year mo na makukuha yan," Mapang-asar na sabi niya sa akin. Ganyan ka pa din.
Tumingala ako at tumingin sa kanya, "Student rep ba hanap mo?" Ngumiti siya at tumango. "Pwes, you're talking to her right now," I said with a smug look and showed him my student rep na pin.
"Psh. Kaya naman pala malakas loob eh," Umiiling na sabi nya.
Inis akong tumayo at tinignan sya. "Ikaw, bakit malakas ang loob mong makipag-usap sakin?" Mapanghamon na tanong ko sabay talikod sa kanya. Narinig ko syang may binulong na parang mahal o ewan, hindi ko na lang yun pinansin.
Nakakapanibago. Wala naman kasing kumakausap sakin maliban sa mga kaibigan ko. Nakakatakot daw kasi ako tumingin, puro lalaki pa ang mga kapatid ko, kaya walang gusto makipag-usap sakin. Tanging mga kaibigan ko lang ang malalakas ang loob na barubalin ako... at sya, si James.
Natapos ang klase at paalis na ko ng classroom nang biglang hinila ni James ang gamit ko. Kinuha niya ang mga libro ko at ang shoulder bag ko pagkatapos ay lumabas na sya ng classroom. Ako? Nakatunganga lang ako, nakatingin sa kawalan.
Natauhan lang ako nang bumalik si James at kinalabit ako. "Huy, anong balak mo? Dyan ka lang ba hanggang bukas?" Nakangiting tanong nya.
"JAMES!!!" Sigaw ko sa kanya sabay kuha ng gamit ko mula sa kanya, "Nakakairita ka talaga! Wag mo kong lapitan! Wag mo ko kausapin o tignan o hawakan!" Hinampas ko sya at padabog na lumabas ng classroom.