ETC.

10.1K 399 30
                                    

Si Pier,

takot sa nanay n'ya
mahilig sa porn
mukhang papatay.

Si Ora,

mahilig sa tula
misteryosa
mukhang bangkay.

Dalawang nilalang na kapwa man kinatatakutan ay magkaiba.

Sobrang magkaiba.

Sige, sabihin nang madaling hulaan ang mangyayari. Magkikita sila, magkakalapit at magkakagusto sa isa't-isa.

Pero marami pang dapat alamin.

Hindi lang kilig ang makakapagkabog ng puso nila. At hindi lang thriller movies ang magpapakaba.

At sa huli, maiintindihan nila kung bakit ang pag-ibig ay isang horror story.

♦♦♦♦

Kung babasahin mo ito, hiling ko sana ay I-VOTE mo ang chapter na sa tingin mo ay karapat-dapat naman. Higit sa lahat ay mag-KOMENTO ka, constructive criticisms o anuman. Nakaktulong iyon. Hindi kita pinipilit, pero sana ay magawa mo.

Gawin mo man o hindi, salamat. Kung ano ang mababasa mo sa susunod na mga pahina, ay maari mong magustuhan, maaring hindi.

At kapag nabasa mo na ang huling kabanata, hindi ka mag-sisisi. Hindi lang si Pier at Ora ang tatawa, malulungkot at matu-tuto.

Pati ikaw.

Ellena Odde

♦♦♦♦

Creepy Feelings © EllenaOdde 2013

Cover created by @Enigmatic_star

All Rights Reserved.

♦♦♦♦

BABALA:
Ang kwentong ito ay matagal ng naisulat kaya hindi na-edit at maraming jeje spirits. Patawad. Ngunit sana ay magustuhan niyo pa rin.

Ang Pag-ibig Ay Isang Horror Story (PUBLISHED UNDER BOOKWARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon