———ooo———
Nagising si Pier ng madaling araw, idinadaing ang sakit ng ulo at pagkirot ng kanang paa.
"Punyeta," at bumangon sapo ang noo, pilit inalala ang nagdaang gabi; ang pagkakatapilok, babaeng may mahabang buhok, ang pagkalam ng sikmura nito at pagbagsak sa ibabaw, dahilan ng pagkauntog ng ulo niya at pagkawala ng malay. Parang panaginip lang ang lahat, nakakayamot na bangungot.
Matapos humupa ang sakit sa paa, tumayo siya, hinanap ang babae para bigyan ng malupit na uppercut.
Nakompromiso ng pagkalalaking tanging ina niya lamang ang may karapatang yumurak. Pero nag-iisa na siya, walang bakas ng kasama. Kinuha niya ang bag at tiningnan ang oras sa cellphone- alas kwatro ng madaling araw.
Bago umalis ay ginulo niya ang mga upuan sa inis. 'Di siya tuloy nakapanood ng bagong video ng paboritong porn star, mali-late din pagpasok mamaya at higit sa lahat, lagot siya sa ina.
"Humanda ka sakin, pekeng multo," at gigil na ibinalibag ang pinto.
———ooo———
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ay Isang Horror Story (PUBLISHED UNDER BOOKWARE)
DiversosAng pag-ibig ay isang horror story.