Book Teaser 1

1K 48 0
                                    

This is the 1st teaser. More will come. Please take note that the format here in Wattpad is different from the book version. :)

———ooooooo———

Synopsis:

Ano nga ba ang formula ng isang magandang kwentong pakilig? Tipong Matikas-And-Maganda? Perfect Meets Another Perfect? JaDine?

Pwede. Pero, subukan natin ang medyo bago (medyo lang).

Kilalanin si Pierromencio; takot sa ina, mahilig sa porn, virgin (daw) at mukhang papatay.

Si Corazon; mahilig sa tula, (siguradong) virgin at mukhang bangkay.

Dalawang nilalang na kapwa man kinatatakutan ay magkaiba. Sige, sabihin ng madaling hulaan ang mangyayari- magkakakilala, text-text, magdi-date at kakain sa food court. Pero hanggang doon na lamang ba?

Tunghayan ang kwento ng dalawang taong nabibilang sa crime scene. Kwentong may pasobra. Malupit. May pabitin. May elementong ginamit ng paulit-ulit pero babasahin mo din ng paulit-ulit.

Hindi lang kilig ang magpapakabog ng puso. Hindi lang thriller movies ang magpapakaba. At sa huli, maiintindihan kung bakit ang pag-ibig ay isang sugarcoated horror story.

———ooooooo——

Ang Pag-ibig Ay Isang Horror Story (PUBLISHED UNDER BOOKWARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon