➡️➡️ Please read: This will be my last update for the week. I will be very busy this coming week with school and kids and a wedding preparation. I will try to update in a week or two. Please bear in mind that I am not going to leave you hanging, I will be updating from time to time but not as often as I used to do. Please understand. Thank you. AlDub you all!
-------------
Sino ito? Sino siya?
"Mack?"
—————
(Chronicler)
"Mack? Mack?" Halos walang boses na lumabas mula kay DJ. Overwhelmed na overwhelmed siya sa tanawing nasa harapan niya.
"Totoo nga ba ito? Siya nga ba ito o sobrang lasing lang ako? Nakakatanga din naman pala itong mag-isa kang nagsasalita. Hahaha! Nakakabakla." Natawa siya sa sarili niyang isipin.
Awang-awa siya sa porma nito. Hindi niya lam kung gigisingin niya ba ito o hahayaan niya lang itong matulog. Sabik na siyang matitigan ang mga mata nito. Sabik na siyang makausap ito. Sabik na siyang ipaalam kung gaano niya ito kamahal. SAbik na siyang....
"Crap, DJ! where are your manners!"
Tumayo siya at pinaka titigan pa uli ito mula ulo hanggang paa. May kung anong kakaibang damdamin ang sumisibol mula sa kanyang kaibuturan. Damdaming pangalawang beses na niyang naramdaman at parehong kay Mack pa. Kung ano man itong nararamdaman niya ay ikinatutuwa niya. Dahan dahan siyang yumukod at hinalikan ito sa noo. Matagal. Matamis. Damang dama niya ang halik na iyon. Sa noo pa lang yan ha pero parang nasa langit na siya.
Dahan dahan niyang inihiga si Mack sa kama niya. Sa kama niya. Nasa kama niya si Mack. Katulad nung sa condo niya noon. Sa kama niya. Katabi niya matulog at kuntento na siya doon. Kahit siguro maghabambuhay na ganito lang sila ay kuntento na siya. Masaya na siya. Makita niya lang at makasama ito ay buo na ang araw niya. Nangingiti na naiiling na lang siya sa mga iniisip niya. Inalis niya ang airline pillow na nakapulupot sa leeg nito at kinumutan niya na ito. Kumuha siya ng maayos ng pajama at pumasok na siya ng banyo para magbihis. Nang matapos ay bumalik na sa higaan at humiga sa tabi ni Mack at natulog na rin. Natulog nang may ngiti sa labi.
—————
Mataas na ang pamamayagpag ni Haring araw ng magising si Mack. Bago pa man niya imulat ang kanyang mata ay nakaramdam ito ng pamimigat sa may bandang tiyan niya at maiinit na hangin sa kayang leeg. Tiningnan niya ito at doon niya lang naalala na nasa kwarto siya ni DJ at katabi niya ito. Napatuwid siya ng higa at dahan dahan niyang nilingon ang katabi. Laking gulat niya ng makitang gising na rin ito at nakangiting nakatingin sa kanya.
"Good morning, Love." Isang napakatamis na ngiti ang sumalubong sa kanya. Kung ganito ng ganito palagi ang kagigisingan niya sa umaga ay dapat pala noon pa siya bumalik. Nalungkot siya sa isiping ang daming oras, araw, linggo, buwan, at taon na sinayang niya dahil sa walang dahilan na takot. Nakapanghihinayang ng mga panahon ang nawala dahil sa takot niya. Takot nga ba saan?
"G-good m-morning." Binawi niya ang tingin dito. Nahihiya niyang sagot dahil sa pagkaalala ng mga pahirap at pagpapahintay niya kay DJ. Nakita ni DJ ang lungkot na biglang bumalot sa mga mata niya. Naawa ito sa kanya. Alam naman ni DJ na hindi sinasadya ni Mack na papaghintayin siya ng ganon katagal. Kailangan lang talaga ni Mack ng konting panahon at kung tatlong taon ang itinagal nito ay ayos lang sa kanya. Lahat naman tayo ay kailangan ng panahon na mapag-isip at makapag-isa. Yun nga lang, minsan madali at napapagdesisyunan agad, minsan naman ay tumatagal at pag nakapag-isip nang mabuti ay babalik upang habang buhay na pumirme, minsan naman sa sobrang tagal ay hindi na bumabalik. ipinagpapasalamat na lang ni DJ na bumalik ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Can't Fight This Feeling 1
RomanceTwo people. One heart. Two worlds. One love. Two beliefs. One destiny. What is going to happen when two people from opposite corners of the world found each other? What would happen when two hearts with different beliefs and backgrounds met? Ano...