Two people. One heart.
Two worlds. One love.
Two beliefs. One destiny.
What is going to happen when two people from opposite corners of the world found each other?
What would happen when two hearts with different beliefs and backgrounds met?
Ano...
Itong song na ito, tumatak sa isip ko nung marinig ko sa radyo kahapon, naisip ko ang pag-alis ni DJ at maiiwan si Mack. Bigla akong napaiyak . Grabe. Pati ako sobrang affected. Ano ba yan.
Hello po. As I promised, hindi ko po kayo kinalimutan kahit pa busy si otor, kasi ganyan ko kayo kamahal. At maraming salamat po sa inyo... First time ko 'to... naiyak ako ng makita ko ito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SalamatE po sa inyong lahat. Balik na tayo kay DJ at Mack.
〰️ 〰️ 〰️ 〰️ 〰️
"Pakibigay na lang sa kanya. Bahala na siya kung saan niya gustong tumuloy."
"Kailangan mo ba talagang gawin ito, Kuya"
"I have to. I have no choice. I have to leave."
"Ihahatid na kita sa airport."
"Ruth? Nasaan si DJ?"
〰️ 〰️ 〰️ 〰️ 〰️
(Chronicler)
Palabas na sana sila ng opisina nang biglang bumugad si Mack na ikinapatda nilang tatlo.
"Ruth? Nasaan si DJ?" Hinihingal na tanong nito.
"Mack/Ate Mack!!?" Sabayang sambit nilang tatlo.
"Nasaan si DJ. Wala siya sa bahay namin. Hindi pa daw umuuwi simula ng umalis kami sabi ng mama mo." Nagkatinginan ang tatlo. Hindi alam ang sasabihin. "Bakit? May nangyari bang masama sa kanya?" Nag-aalala niyang tanong.
"Ahmm... Ate Mack, wala na po si Kuya." Nag-aalinlangang sabi ni Ruth.
"Anong ibig mong sabihing wala na si DJ? May nangyari bang masama sa kanya?" Mababakas ang pag-aalala sa mga mata nito. Nanginginig ang mga kamay niya at tuhod.
"Mack, I think you need to sit down." Iginiya siya ni Angelo para umupo.
"Kaalis lang ni DJ." Sambit ni Christian. Nakahinga ng malalim si Mack sa narinig, ibig sabihin ay okay lang ito.
'Teka... Umalis? Saan siya nagpunta? He's coming back right? What time is he coming back?" Sunud-sunod na tanong ni Mack.
"Umalis siya, oo. Kung tinatanong mo kung babalik pa siya? Oo, babalik pa siya, pero hindi namin alam kung kelan." Sagot ni Angelo.
"What do you mean by that? What do you mean by "we don't know when"? Where is he now. Please tell me. Where is DJ." Di na mapakali si Mack. Masama ang kutob niya. Umalis ba si DJ? Kung umalis man ito saan ito pupunta.