------------------
"Naku DJ, hindi kaya buntis yang si Mackee?!" SAbi ni Yaya Ising. Nagulat kaming tatlo ni Ramon at Lena sa sinabi ni Yaya.
"BUNTIS?!"
------------------
(Chronicler)
"Ya, teka sandali, baka naman na-empacho lang. Baka naman stomach flu? Baka naman nagbabadyang trangkaso lang yan, Ya. Hindi naman siguro buntis. Tsaka wala naman siyang may naikukwentong boyfriend siya, at kahit papaano naman siguro ay mabibigyan tayo ni daddy ng babala." Mainit ang ulo niyang sabi. Napansin ng yaya niya ang umusbong na sungit factor ni DJ, maging si Ramon ay napansin din.
"DJ, hindi ko naman sinabing buntis nga. Pero kung kayo ang magkwento, itinuturo ng mga sintomas ng pagbubuntis yun, ano ang gusto ninyong isipin ko eh yun lang a ng sintomas na alam kong napagdaanan ko rin. Hindi naman ako doktor kaya wag mong siniseryoso ang sinabi ko." Maalumanay na tugon ng kanyang yaya. Hindi naman sadyang masinghalan ang matanda. Hindi rin niya alam kung bakit bigla na nag-init ang ulo niya sa narinig mula sa kanyang yaya.
"Pasensiya na, ya. Nag-aalala lang ako ng sobra kay Mackenzie. Wala naman kasing ibang nasabi si daddy O maging si Tita Kirstine maliban sa kakamatay lang ng mommy nito at masyado itong close sa ina, yun lang." Sambit niya.
"Alam ko naman yun, hijo. Kaya lang, mukhang hindi basta-basta pag-aalala lang yan DJ, mag-iingat ka, baka masaktan lang kayo pareho sa bandang huli. Inaanak yan ng asawa ng daddy mo, hindi natin alam kung ano ang mga tradisyon ng pamilyang yan. Uulitin ko, baka masaktan ka lang." Paalala ng kanyang yaya sa kanya.
"Alam ko naman po yun, ya. Hindi naman ako naghahangad ng sobra pa doon. Ayoko rin na magalit sa dad sa akin. Kung sakali mang buntis si Mack, kailangang malaman ni Tita Kirstine ito, kasi baka ito ang dahilan niya kaya siya umalis ng New York. Kung sakali mang buntis si Mack, ngayon niya mas kailangan ang pamilya, ang kakampi. Mas ngayon niya tayo kailangan. Kahit ano pa ang sinasabi ng tradisyon ng pamilyang ito, kailangan pa rin ni Mack ng masasandalan. Ya, handa ako." Parang wala sa isip na sambit ni DJ, nakatingin ito sa kawalan, dahilan para magkatinginan ang apat na tao sa harapan niya.
"Ano ang plano mo? Paano mo sasabihin sa kanila? Paano kung hindi naman? Di ba dapat si Mackee ang magsasabi niyan sa Ninang niya? Paano mo ipiprensinta ang sarili mo sa kanya? Sa kanila?" Sunud-sunod na tanong ni Yaya Ising kay DJ. Parang natauhan naman si DJ sa mga tanong ng kanyang Yaya.
"Ewan ko ho. Hindi ko po alam. Bahala na ho. Sige ya, kakausapin ko si Mack paggising niya. Balikan ko muna siya kwarto niya." Paalam niya sa matanda. Iisa lang ang nabuo sa isip ng kanyang yaya na maging ang asawa nito ay naintindihan ang tingin na ipinukol niya dito.... Umiibig na si DJ.
"O sige, hijo. Magluluto ako ng sopas para mainitan ang sikmura ni Mackee. Ano ba ang gusto nyong ulam para sa hapunan?" Tanong ni Ising.
"Nilaga siguro ya pwede na o di naman kaya kahit sinigang. Kung anong meron diyan, ya, yun na lang. Yung madali lang." Sagot naman nito.
"Baboy o hipon?" Tanong nito na ikinalito ni DJ. Para baboy o hipon lang pagpipilian ay nalito na agad? Ano yun? Umiibig nga kasi di ba?
"Ano po yun?" Lingon-tanong niya sa kanyang yaya.
"Ang sabi ko, sinigang na baboy o sinigang na hipon?" Ah, yun naman pala. Wala DJ, tuliro ka na. Mawala ba sa sarili?
"Baboy po." Maikling sagot nito at tumalikod na.
BINABASA MO ANG
Can't Fight This Feeling 1
RomanceTwo people. One heart. Two worlds. One love. Two beliefs. One destiny. What is going to happen when two people from opposite corners of the world found each other? What would happen when two hearts with different beliefs and backgrounds met? Ano...