paghihintay

1.5K 10 4
                                    

ilang beses mo nang ipinagdadasal

ang isang bagay na pinaka aasam-asam

ang magkaroon ng isang minamahal

ngunit hanggang ngayon di pa rin nakakamtan.

pakiramdam mo'y ika'y napag iiwanan

pwede namang pumili ng kahit sino dyan

pero iba pa din ang magmahal ng totoo

mahirap na kung ika'y mapaglaro

minsan ka nang nagmahal at nabigo

ngunit nasaktan ma'y di ka pa din sumusuko

Pare, sa tatag mo ako'y saludo

sa tamang panahon darating ang magmamahal sayo.

bukas, makalawa, o baka sa susunod na buwan

hindi natin alam, ngunit pag-asa wag kang mawawalan.

darating din sya, ang taong mamahalin ka

pag nagkaganun ay siguradong swerte na.

Pare, wag kang mawawalan ng pag-asa

pagdarasal mo'y ipagpatuloy lamang

sigurado sya ay nasa paligid lang

naghihintay lang ng tamang kapalaran

sakaling dumating man sya kaibigan,

siguraduhing hindi mo na pakakawalan

kung tunay kayong nagmamahalan

wag mag dalawang isip na ituloy sa kasalan.

koleksiyon ng mga tula sa wikang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon