hot pandesal

899 3 0
                                    

tumunog na ang kampana

misa de gallo ay tapos na

naglalabasan na ang buong parokya

nag uunahan sa pagbili ng puto bungbong at bibingka

ngunit paa mo ay iba ang tahak

binibilang ang bawat apak

patungo sa panaderya ni aling christy

upang hot pandesal iyo nang mabili

"sampu", "bente"

sigaw ng mga mamimili

ang mga ate at kuya ay di na mapakali

na makuha ang pandesal na pinaka mimithi

tustado o puti

anu man ang iyong mapili

basta pandesal ay mainit

ito ay dali-daling kakainin

sa bawat kagat

gutom ay napapawi

lagyan mo pa ng mantikilya

bawi na ang pagod mo sa pagpila

habang naglalakad pauwi sa tahanan

lalagyan ng pandesal unti unti nang nauubusan

kawawa naman ang mga naghihintay sa bahay

sa susunod dadagdagan na lang ang pandesal na alay

koleksiyon ng mga tula sa wikang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon