nakalimutang wika

2.1K 16 10
                                    

matagal na akong gumagawa ng tula

ngunit sa sariling wika ay wala

wikang banyaga ang aking nakasanayan

kaya narito ako ngayon at nangangapa

nais ko mang ipahiwatig ang nararamdaman

hindi naman magawa sapagkat kulang sa kaalaman

wikang Pinoy unti unti ko nang nakakalimutan

ano ba ang dapat kong gawin kaibigan?

mismong sa aking bansa ay bihira

ang paggamit ng diretsong Pilipino sa pananalita

sa bawat pangungusap ay may halong wikang banyaga 

ay naku, pambihira!

anu ba naman ito

hindi ko na alam ang idudugtong ko dito

ako'y nauubusan na ng wikang Pilipino

kaibigan, matutulungan mo ba ako?

paano ba malulunasan ang aking kalagayan

kaalaman sa Pilipino aking napabayaan.

huli na ba na magbalik sa paaralan

o baka maaari namang gawan ng paraan?

koleksiyon ng mga tula sa wikang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon