paskong pinoy sa ibang bansa

1.8K 3 0
                                    

wala ka na namang dekorasyong pampasko

dahil nakatira, nagtatrabaho ka sa malayo

hindi bale kaibigan, ang tunay na pasko ay nasa puso

kahit na pamilya mo ay di ka na naman kasalo

kahit nais magbakasyon ay hindi magawa

pagkat sa trabaho ay madaming magwawala

magtitiis na lamang sa pag gamot at pag-aalaga

sa mga taong hindi mo naman kaanu-ano o kakilala

ganyan talaga ang buhay sa ibang bansa

minsan nakakalungkot at nakakasawa

ngunit pamilya mo sayo ay umaasa

kaya magtitiyaga na lamang kahit nag-iisa.

ang malamig na hangin ay may dalang pighati at ligaya

tuwa sapagkat ang taon ay magtatapos na

lungkot sapagkat ikaw na nama'y walang kasama

pag disyembre kay hirap pag malayo sa pamilya

sa syensa at teknolohiya dapat magpasalamat

mensahe at tawag ay natatanggap ng walang hirap

sa kompyuter pamilya mo ay nakikita

mga ngiti at pagbati nila sa'yo ay sapat na

kahit malayo ay laging pakatandaan

mayroon mga taong sayo ay nagmamahal

hindi mo man sila madalas nasisilayan

sa puso at isip nila ika'y namamalayan

ngayong darating na pasko ay huwag nang malumbay

ipagdasal na lamang na ikaw at pamilyay' bigyan patnubay

ng Poong Maykapal na syang nagbigay ng buhay

at isang "Maligayang Araw po, minamahal kita ng tunay!"

koleksiyon ng mga tula sa wikang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon