Chapter 5

62 1 0
                                    

Chapter 5

"Talaga? Tapos, anong ginawa mo?"

Halatang nagpipigil ng tawa si Kuya nung kinuwento ko kinagabihan yung eksenang nangyare sa akin sa PE.

"Ay nako Kuya! Ewan ko sa'yo!" Nakakainis naman kasi e, ano namang nakakatawa dun diba?

"Sorry, sorry. Sige tuloy mo na.."nagbukas naman ng chips si Kuya at kumain habang nakikinig sa napaka-interesting kong kwento.

"He held me like this," hinawakan ko siya sa balikat katulad ng ginawa sa akin ng Marasigan na yun. "Then he said, 'Tinamaan mo ko ng bola Miss! Ang sakit kaya! Tas tatayo ka lang dyan ng parang walang nangyari?'" ginaya ko naman yung boses ni Marasigan.

"Kinabisado mo talaga?"

"Kuya! Kung sa'yo kaya ginawa yun? Harap-harapan pa! Malamang tumatak yun sa utak ---"

"Rosanne, si Clarence nasa baba." Pumasok naman si Momsy sa kwarto ko.

"Po?" Ano daw?

"Si Dodz Clarence mo daw nasa baba."Lagi na lang niya ginagaya yung boses ko everytime he says 'Dodz Clarence'."Pangalan palang, natataranta na."

"Shut up Kuya!"binato ko siya ng unan ko.

Bumaba naman ako sa sala, nandun nga si Clarence. Nakauniform pa siya, mukhang kakauwi lang niya. Di kasi kami magkasabay umuwi kanina e, may meeting daw kasi yung basketball team, e malamang training na rin nila yun.

Oh wait, diba aalis na siya? Nagpa-practice pa rin siya with the team?

Hinatid lang pala niya yung laboratory report ko na naiwan ko sa school kanina, buti na lang! di ko pa kasi tapos yun e. After nun, nagpaalam na agad siya. Sa bagay, late naman na kasi e.

Di ko pala natanong kung bakit sumasama pa siya sa meeting ng team.

Bukas na lang siguro.

Oh well, it has been a long and very tiring day!

I deserve a wonderful rest.

***

Lunch kinabukasan, magkakasama kaming apat nila Clarence, Candice and Elisha. Sa usual table na namin kami kumain, table 7. Nauna kasi kaming idismiss kaysa sa mga freshmen e, wala kasi yung English teacher namin, substitute lang yung umattend, so nagpractice lang kami para sa short play namen to be performed 2 weeks from now.

And what can I say?

I need an acting workshop!!!

Can somebody help me, please?

"Wala ka man lang bang padespedida dyan Cleng?"bigla namang nawala ako sa iniisip ko.

"Oo nga Clarence, you'll be leaving 2 days from now ah?"tumingin naman sa akin si Candice. "Don't you have any plans?"

Teka, ako ba tinatanong niya? Sa akin kasi siya nakatingin e.

"Bakit sa akin ka nakatingin?"

Lumapit naman sa akin si Candice at bumulong.

"D on't you have any plans of throwing a party for him?"

Napatingin naman ako kay Clarence, mukhang di naman niya narinig. Kasi sa itsura niya, nagtataka siya kung ano bang binulong sa akin si Candice.

"Hindi kaya siya gwapo!"

Err. Ewan ko ba bakit yun ang sinabi ko, I am considering what Candice had told me. E mukhang nanghihinala si Dodz e.

"Uy, sino yun? Ang daya ah! Di kayo nagshe-share!!"bigla namang umikot yung paningin ni Shang. Akala niya siguro may nakita kaming cute guy.

Hay nako naman Elisha!

Accidental EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon