Chapter 3

50 0 2
                                    

Chapter 3

Sa iisang village lang kami nakatira ni Clarence. Kaya di na ako tumangging ihatid niya ako. Hindi na rin naman na bago yun. Madalas kami ang magkasabay. Magkakaiba kasi kami ng village nila Elisha and Candice. Nagkakasabay man kami sa jeep madalas, pero pag naglalakad, bihira na lang.

"Penny on you thoughts."Nag-smile sa akin si Clarence.

"Huh?"nako, napaka-absent minded ko, nagulat na lang ako nung nagsalita siya.

"Kita mo. You're acting strange..."

"...."Strange?! Bakit naman daw?

"Una, tinawag mo lang akong Clarence kanina."Parang nagbibilang siya, "Tapos ngayon, ang lalim ng iniisip mo, kanina pa tayo magkasama, pero hindi ka man lang nagsasalita. May problema ba Dodz?"

Ngayon ko lang na-realize yun. Weirdo nga ako ngayon. Ano bang meron?

"Ha? Yun ba? Wala... absent-minded lang siguro ako ngayon." Binilisan ko ang Paglakad.

Hinawakan niya yung braso ko, "Ar, I don't think so..." hinarap niya ako sa kanya.

"Is this about me leaving for Hawaii?"

Tumingin lang ako sa kanya. He got me there. Yun nga siguro yung inaalala ko kanina pa, or should I say for about 3 days already.

"Tama ako noh?"

"E hindi mo naman maaalis sa akin yun diba?"naglakad na ulit ako.

"Ar, please! Don't make things hard for me."Hinabol naman niya ako.

Hard for him? Ano ba ginawa ko? Di ko naman siya pinipigilang umalis diba?

"Wala naman akong ginagawa ah? May sinabi ba ako?"

"Exactly! Wala kang sinasabi, wala kang ginagawa, hindi mo ako kinikibo. May problema tayo Ar, bakit ayaw mong aminin yun?" medyo tumataas na yung boses niya.

"Clarence----"

"See? You're just calling me Clarence." He cut my sentence, Clarence palang nasasabi ko.

Nagtinginan lang kami. Ayoko ng pag-awayan pa namin 'to. Ilang araw na nga lang siya mags-stay dito, I don't wanna spend those days na magka-away kami.

Niyakap ko na lang siya.

"I'm sorry Dodz..."naiyak na ako.

"I'm sorry din Ar. Dapat iniintindi kita." Hinihimas-himas naman niya yung likod ko.

"Bati na tayo ah? humiwalay na sa akin si Clarence.

"Can I say no?"

"Syempre hindi!" pinisil naman niya yung ilong ko, "Tara na! Tama na yang pag-iinarte mo!" hinila na niya ako.

"Hoy ah! di ako nag-iinarte noh!"

"Whatever!" nag-sign pa siya ng "W" with his fingers.

"Ah ganun? Whatever pala ah? Eto sa'yo..."

"ARAAAAAY!!! Aleric!!!!!!!!!!"

Kinagat ko siya sa balikat.

***

About 6pm na kami nakarating ng bahay. Dumaan pa nga kasi kami sa ice cream parlor. Nilibre niya ako, we stayed there for about an hour. Naka-dalawang ice cream nga ako e. Isang cup ng double dutch at isang cone ng Choco Peppermint. Siya naman 3 cups ng Hazelnut. Just Hazelnut. Naka-3 cups pero di man lang nagpalit ng flavor. Di naman halatang favorite niya yung Hazelnut diba?

Doon na nag-dinner si Clarence. Pagdating kasi namin sa bahay, nandun na si Momsy. Ayun, pinag-stay na siya para maghapunan.

Kumpleto kaming pamilya, medyo na-late nga lang dumating si Kuya from school. Inasar pa nga niya si Clarence e. Sa kanila daw siya titira pag sa states na siya nagta-trabaho. Hay nako Kuya, as if naman kaya mong iwan si Ate Mils?

Accidental EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon