Chapter 4
Last 3 days.
Yan ang iniisip ko simula pa kaninang umaga.
Geometry na namin ngayon. Groupings kami para i-solve yung Math problem sa board. Hindi ko ka-group sila Candice and Elisha. Tumulong lang ako sa pag-solve, ayoko kasing ako pa yung mag-sagot sa board. Pinipilit naman ako ng mga ka-group ko na ako na lang daw mag-solve sa harapan, e ayoko talaga, kaya di nila ako napilit.
After Geometry, nilapitan ako nila Candice and Elisha. Kinukulit nila ako, kung ayos lang daw ba ako, may sakit, o may malalim lang na iniisip.
May malalim lang siguro akong iniisip. Oh well, hindi lang 'siguro', mayroon talaga. Gusto ko ng mag-lunch para makausap ko na si Clarence. Ngayon lang ako nagmadali pag oras ng acads.
***
Sa wakas lunch na!
Di pa man din kami nakakalabas ng room, nilabas ko na yung cellphone ko para itext si Clarence. Patago lang ako magtext nun, bawal kasi ang cellphone sa school.
Send to: Dodz_Clarence
Dodz, rooftop tau ah?ü
For the last 3 days, gusto ko mag-lunch kami sa rooftop, ang official tambayan naming dalawa.
Momsy prepared Sisig for my lunch. I asked her to cook for it, though it's not my favorite, but it's Clarence's.
Di na ako dumaan sa canteen, umaakyat na ako agad sa rooftop. And to my surprise, nandun na si Dodz. Wow! Aga ah?
"Very unusual Dodz ah?" yan ang binungad ko sa kanya pagkabukas ko ng pintuan ng rooftop.
"Di ako maaga, late ka lang!" parang ang sungit niya ngayon ah. "Kanina ka pa kaya nagtext diba? Tara kain na tayo!" umupo na siya dun sa gilid ng mga fences.
Well, I guess di naman siya galit, gutom lang talaga.
May baon din pala siya nun, nung pagkakita ko, Sinigang na Baboy! That's my favorite! My ever favorite ulam!
"Oh.." inabot niya sa akin yung ulam niya, "Alam kong favorite mo yan, basta tirhan mo lang ako."
"Thank you! Dahil dyan, may reward ka."Nilabas ko naman yung baunan ko at inabot sa kanya.
"Yung totoo, nagpapaluto ba tayo ng baon para sa isa't-isa? Pakisabi kay Tita San, thank you."
"Makakarating. Tara, kain na tayo. Kanina ka pa gutom diba?"sinubuan ko naman siya ng isang buong kutsara ng Sisig.
Tama nga siya, nagbabaon kami para sa isa't-isa, how cool is that?
We spent lunch time together. Medyo nahirapan nga kaming bumaba nun sa rooftop kasi may guard dun sa pintuan, so we waited for about 5 minutes hanggang sa makaalis si Manong Guard. Mahirap na, baka mahuli kami at ma-guidance ng wala sa oras.
Pagbaba namen sa gym, nakapila na yung mga students. Hinatid naman ako ni Dodz sa pila ng mga 3rd year. Nakita naman ako nila Candice, di naman na sila nagtanong kung saan ako galing dahil nagpaalam naman ako na hindi ako makakasabay sa lunch.
"Alam mo, buti na lang kilala ko kayong dalawa."Sabi ni Candice sa akin sabay abot ng papers.
"Ano?" tinignan ko naman yung inabot niya.
"Kasi kung hindi, alam mo na kung ano ang iisipin ko." Okay, I think I get it. "Yan yung script naten sa English, you'll be playing Lia, the lead role." Tinuro naman niya yung hawak kong papel.
Nagpantig yung tenga ko. Ako? Lia? Lead role?
"No way Candice! There's no way!"
"There's a yes way!"sumingit naman sa usapan si Elisha.
BINABASA MO ANG
Accidental Everything
Teen FictionMy first story. Geez! Emzo sabaw. Pagpasensyahan niyo na. I'm very much open to criticisms, opinions and suggestions. MARAMING SALAMAT! :)