Chapter 6
Hinatid naman namen yung mga kaibigan niya sa may gate ng village, kasama na din dun sila Candice and Elisha. Ako naman ang pinakahuli, since ako lang naman yung kaparehas ng village nila Dodz.
Gising pa sila Momsy nun at pinapasok pa siya sa bahay.Konting kwentuhan lang at nagpaalam na rin si Dodz, medyo late na kasi at maaga pa ang flight niya bukas, hinatid ko naman siya sa may gate namen.
"Mami-miss kitang mokong ka!"pinalo-palo ko pa siya sa balikat.
"Sira ka talaga.."ginulo niya yung buhok ko, "Ikaw din naman mamimiss ko!"
"Wag mo akong ienglishin masyado pag nag-usap tayo sa chat ah? Tatadyakan talaga kita.."
"Basta wag mo na akong ihahatid bukas."
"Ha?!?!"
Halah? E bakit naman ayaw niyang magpahatid? Yun na nga lang yung last naming pagkikita diba?
"Basta wag!"
Naiyak naman ako sa sinabi niya.
"Baka kasi di ko na kayaning umalis pag nakita pa kita."
***
I cried myself to sleep that night. Feeling ko kasi magiging mag-isa na ako, seems like I'm about to lose half of me,
Nagising ako 10am the following day.
Wala na siya.
8am kasi ang flight niya. Sabi naman niya wag ko na siyang ihatid e, kaya di na ako nag-bother na gumising pa ng maaga.
Inabot ko yung cellphone ko sa bed side table.
3 messages received.
From: Dodz_Clarence
Alis n ako. Tnx tlga s gift mo! Pa2kita ko un kela mommy bka sakaling ms bumilis pa pg galing nya. ü I'll see you soon Dodz! :)
Tinignan ko naman kung anong oras ko nareceive, 6:58am.
Malamang naghihilik pa ako nyan.
From: Elisha_The.Cliff
Love can't always be measured by how long you wait.
It's about how well you understand why you are waiting.
---
Good morning earthlings! :)
Err.. Saan naman nahugot ni Shang yun? Di naman yan mahilig sa quotes e,
Then the last message reads like this,
From: Dodz_Clarence
Mamimiss kita. SOBRA! <3
And that's enough to made my day.
Mamimiss ko din siya...
Higit pa sa sobra...
***
Monday came.
Umaga palang, feel na feel ko na kung absence ni Clarence.
Pag-akyat namen sa room, sinabihan na agad ako ni Ms. Laresma na mamaya na daw yung first review session namen para sa quiz bee. Kumpleto na daw yung representatives bawat year-level.
Nung lunch time, pansin ko naman yung effort ng The Cliff na i-uplift yung spirit ko, supposedly kasi kasabay namen si Dodz kumakain,
"Di pa rin siya tumatawag o nagtetext."Bigla kong sabi habang kumakain.
Napatingin lang yung dalawa sa akin,
"Gaano ba katagal yung trip from here hanggang sa Hawaii? Di naman siguro inaabot ng dalawang araw diba?"naiinis na ako, tinutusok-tusok ko na nga ng tinidor yung ulam ko. Wala na rin ako sa ganang kumain.
Di pa rin kumikibo yung dalawa,
"Uy, ano ba kayo.. Kanina ang dadadaldal niyo ah?"
"E baka naman lang kasi busy yung tao?" nagsalita naman agad si Candice
"E ano ba naman yung isang text lang para sabihin that he safely arrived noh?" sagot ko naman.
"E baka nakikipag-catch up sa mom niya, alam mo namang matagal di nagkita ang mother and son diba?"huminto sa pagkain si Elisha.
"Tita Claret wouldn't mind kung tawagan ako ni Clarence. Baka nga siya pa yung mag-utos dun e." Pagdadahilan ko naman. Baka nga gusto rin akong kausapin ng mom niya e.
"E baka walang load. Syempre, iba na yung networks dun, baka di pa siya naka-roaming?" sagot ulit ni Candice.
"Hello... What's the use of Facebook? YM? Email diba?" Yeah, internet power!
"E bakit naman kasi nage-emote ka dyan ha? Ano ka ba?" nag-iba naman na yung tono ni Shang. He's a bit pissed, I can sense that.
"Hello?!?! Earth to Elisha? Bestfriend kaya ako? Nakalimutan mo?" pero naasar na rin ako ah? Tanungin daw ba ako kung ano ako ni Clarence, like duh?!?
"Akala ko girlfriend.." bulong ni Shang, pero narinig ko pa rin. "Hello din Aleric Rosanne? Mukhang ikaw ang nakakalimot na bestfriend ka...
.... lang."
Ouch! That hurts here.
***
Umakyat na kami sa room, naiinis ako kay Elisha. E ano naman kung bestfriend LANG ako? Wala na akong karapatang mag-worry? E bestfriend nga diba?
Okay fine, I admit hindi lang yung bestfriend thingy na yun ang kinaiinisan ko. Pero, erase! Ayoko ng i-entertain yung thought na yun.
After ng dismissal, pinatawag ako ni Ms. Laresma sa faculty room. Malamang imi-meet na namen yung co-representatives namin para sa quiz bee.
Dumating kami sa faculty room, may kausap si Ms. Laresma, a guy, medyo maliit so I assume, siya yung freshmen representative.
Napansin naman ako ni Ms. Laresma na nasa pinto.
"Ms. Banzuelo, come over." sumenyas naman si Ma'am sa akin.
"I would like you to meet Christian, siya yung representative for the first year." Inakbayan ni Ms. Laresma yung si Christian.
"Hi Christian! I'm Aleric, junior."Inextend ko naman yung kamay ko.
"Hello Ate!"nag-smile naman si Christian. Kaso nadisappoint naman ako sa pagtawag niyang Ate. Siguro nga, di lang ako sanay.
"Papunta na dito si Yasmin, yung second year. Yung sa seniors medyo male-late lang ng konti, may tinatapos pa silang paper works e."
Tumango naman kaming dalawa ni Christian at naupo sa may sofa sa faculty room. Dumating din naman yung sophomore, girl naman.
Sabi ni Ms. Laresma sa library na daw namin hintayin yung senior rep.
"Doon na lang kayo mag-stay sa table 4, sa may science books area, doon ko na lang papasunurin si Cyrus Antonio."
"Si Cyrus po ang representative ng 4th year ma'am?"excited naman na tanong ni Yasmin.
"Yes, Ms. Natividad. Mauna na lang kayo doon sa library, okay?"
"Yes Miss!"sabay-sabay na sagot naman naming tatlo.
So, dumirecho na nga kami sa library. Habang nasa daan e nagkaka-kwentuhan kaming tatlo. Bukambibig nga ni Yasmin yung si Cyrus Antonio. Halatang excited siyang ma-meet yung senior rep.
"Crush mo ba siya Yasmin?"dinirecho ko na siya. Pero mukhang oo naman yung isasagot niya.
"Ate, sabi ko Yas na lang e."humarap naman siya sa akin nun. "Si Cyrus?" bigla naman siyang nag-blush. "Hindi naman sa crush ko siya ate.." Nyee? Hindi pa yan ah? "Marami kasi akong naririnig tungkol sa kanya e, so curious ako. Gusto ko siyang makilala."
Yun lang naman pala Aleric, curious lang yung tao, masyado ko namang binigyan ng kulay,
E sino nga ba yung Cyrus Antonio na yun? Pati tuloy ako na-curious na.
BINABASA MO ANG
Accidental Everything
Teen FictionMy first story. Geez! Emzo sabaw. Pagpasensyahan niyo na. I'm very much open to criticisms, opinions and suggestions. MARAMING SALAMAT! :)