Chapter 5

13.2K 666 66
                                    


"Oh kamusta na yung bisita mo?" Pagtatanong sa'kin ni Mama nung bumaba ako sa kusina. Siguro ay nakwento ni Manang Berta sa kanya. "Sabi ni Manang Berta ng barkada mo at bagong tao raw 'to"

Sanay na rin kasi si Mama na palaging madalas dito sa bahay ang tropa ko. Nag-i-sleep over din sila rito at sa kwarto ko pa nag-i-stay. Tiwala naman si mama na walang mangyayari sa'king masama. Subukan lang nila akong gawan ng masama magsusuntukan kami.

"Okay naman po Ma, medyo bumababa na yung lagnat niya" Sagot ko sa kanya. "Tsaka baka bukas pwede na siyang umuwi sa kanila, sorry 'ma ah kung dito pa siya nang-abala" Paghihingi ko ng tawad.

"Ano ka ba ayos lang 'yon. Basta kaibigan ng anak ko, always welcome sa bahay na'tin" Sabi niya at hinimas ang aking ulo.

"Talaga 'ma? Kahit pa miyembro ng akyat-bahay?"

"Wala namang ganyanan anak, gusto mo yatang maghirap tayo" Parehas kaming natawa sa aming kalokohan. "Oh teka kumain na ba yung kaibigan mo? Halos alas-nuwebe na ng gabi baka wala pang kinakain 'yon" Pag-aalalang tanong ni mama.

Oo nga pala! Wala pa palang kinakain yung monggoloid na 'yon. "Sige dadalhan ko na lang siya ng ulam na'tin 'ma"

"Ay nako anak naubos mo na kanina yung manok na niluto ko nakalimutan mo ba? Wala na tayong ulam d'yan" Grabe ang timawa ko pala! Sa sobrang sarap ng luto ni mama ay nakalimutan ko ng dalhan ng pagkain kanina si Zeke.

"Eh anong papakain ko ro'n Mama?" Pagtatanong ko.

"Magluto ka na lang d'yan ng instant noodles. Mas maganda rin sa may sakit ang mainit na sabaw" Sabi ni Mama at kumuha sa lalagyanan ng isang Chicken flavor ng Lucky Me.

"Ako magluluto?"

"Malamang anak, sa'yong bisita 'yan. Tsaka Noodles na lang 'yan kaya mo na yan" Sabi ni Mama at naglakad na paakyat sa kwarto niya. "Yung ilaw sa kusina pakipatay 'pag tapos mo lutuin 'yan"

Ano bang kamalayan ko sa pagluluto. Taga-ubos lang ako ng pagkain sa fridge namin pero ni-minsan ay hindi ko pa naranasan magluto, tumutulong ako sa pagluluto pero yung pag-aabot lang ng mga sangkap.

Ano ba 'yan Mayumi! Ang dami mong reklamo eh instant noodles lang naman ang gagawin mo, nakalagay naman sa likod yung instruction kung paano ang gagawin.

Sinunod ko lang ang nasa instruction ng nasa likod ng balat nung noodles. Nag-boil ako ng tubig for 4 minutes then tsaka ko isinunod yung noodles at mga sangkap nito.

Parang ang sarap sa pakiramdam 'pag may nagagawa kang isang bagay na never mo namang nagawa noon. Parang achievement! May aangal ba? Suntukan na lang tayo oh!

Isinalin ko na ang sa mangkok ang aking gawa at sakto naman na nadatnan ako ni Manang Berta. "Anong ginagawa mo rito sa kusinang bata ka? Gabi na o"

"Linggo naman po bukas aling Berta kaya naman puwede akong magpuyat. Ipinaghanda ko lang po ng makakain—"

"Yung boyfriend mo? Nako kabataan talaga ngayon, oh sige iakyat mo na 'yan doon sa taas. Ako na ang bahala magligpit sa mga kalat na ginawa mo sa kusina" Sabi niya sa'kin. Boyfriend? Sapakan na lang kami oh!

Naglakad ako patungo sa kwarto ko at binuksan ito. Nakita ko si Zeke na nakaupo sa kama habang naglalaro ng playstation. "Oh and'yan ka na pala! Ang ganda ng laro mo na 'to ah, anong title nito?" Nakangiti niyang sabi sa'kin.

Dare with Mr. President (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon