Natapos ang linggo at ilang mga araw ngunit patuloy ko pa rin iniiwasan si Zeke, tuwing mag-i-innitiate siya ng pakikipag-usap sa'kin ay lumalayo na ko. Parati rin akong nag-iiba ng ruta ng daanan upang hindi kami magkasalubong, kung magkasalubong man kami ay yuyuko lang ako upang hindi kami magkatitigan.
"Pare may problema ba kayo ni Zeke?" Pagtatanong sa'kin ni Jeston habang nasa cafeteria kami kasama ang buong tropa.
"Oo nga p're. Noong nakaraang linggo lang ang dalas niyong magkasamang dalawa, pero anong nangyari ngayon?" Sabi naman ni Clark.
"Alam niyo ang dadaldal niyo, kumakain tayo" Pag-iiwas ko sa kanilang mga tanong. "Subukan niyo pang pakielaman yung about sa'min ni Zeke magsasapakan tayo rito"
"Tigilan niyo na nga lang yung pagtatanong kay Mayu ng mga ganyan, halata namang iwas yung kumpare na'tin eh" Pagsasalita ni Obet. "Ay nga pala Mayu, kamusta na yung gitara? Mapapalitan ba?"
"Tang ina mo tinigilan mo nga ako sa pagtatanong kay Zeke pinalitan mo naman yung topic ng about sa gitarang nasira na'tin" Sumubo muna ako ng aking kinakain na chichirya. "Sa tingin ko naman, maaayos"
Hindi ako sigurado pero sana naman ay gawin ni Zeke ang pangako niya lalo na't nagawa ko naman ang pag-arte sa harap ng kapatid niya. "Naku siguraduhin mo lang 'yan Mayu, ang lapit na kaya ng foundation week kaya paniguradong hahanapin yung gitarang 'yan" Sabi naman ni Marcus.
"Wow ah! Kung makapagsalita kayo parang ako ang sinisisi niyo ah, ako nakasira? Ako nakasira? Suntukan na lang tayo oh!" Sabi ko sa kanila. "Tsaka h'wag muna nga kayong magbanggit ng mga problema, ang dami na ngang Gawain sa school sasabayan niyo pa ko niyan"
"Teka nga, babalikan ko muna yung tinuturuan ko. Bwisit! Napakahirap turuan" Naiiritang sabi ni Clark no'ng may nabasa siyang text message galing sa kung sino.
"Teka ayan ba yung first year na sinasabi ni Zeke na tuturuan mo?" Pagtatanong ko sa kanya, halos minsan na nga lang talaga namin makasama si Clark. Busy pala siya sa pagtuturo.
"Ah oo, ginamit niya nga yung gitarang nasira na'tin para ipang-block mail sa'kin kaya ako napilitan na turuan 'to, sige na kita-kits na lang sa uulitin" Sabi niya at tumakbo na paalis. Sa'ming lahat ay si Clark ang may pinakamaiksing pasensya kaya naman hindi ko lubos maisip kung paano siya nagtuturo. Baka inuumpog niya na sa piano yung tinuturuan niya.
"Eh ikaw ba Obet, kamusta na kayo ng kapit-bahay mo?" Isang malokong ngiti ang binigay ni Jeston.
Hindi ako maka-connect sa mga asaran nila dahil nga nung nakaraang linggo ay madalas si Zeke ang kasama ko, hindi ko alam yung mga taong inaasar nila sa mga kaibigan ko. Natahimik na lang ako.
"Ha? Nako iintrigahin mo na naman ako sa bagong lipat naming kapit-bahay, kaibigan ko lang yun" Pagdedepensa naman ni Obet.
"Oh ano natahimik ka pare 'no? Puro kasi si Zeke ang kasama mo last week kaya late na late ka na sa mga tsismis na nangyayari sa mundo. Hayaan mo, next time eh kekuwentuhan kita tungkol sa mga tukmol na 'to" Sabi sa'kin ni Jeston.
"Alam niyo, wala akong pake sa inyo kahit mag-oblation run pa kayo sa buong campus. Bilisan niyo na nga lang kumain, pumunta na tayo sa susunod na'ting klase. Malapit ng matapos ang break" Sabi ko sa kanila, at mabilis kong ininom ang bottled water ko.
Nauna akong tumayo upang pumunta sa susunod naming klase, pero agad-agad din naman silang bumuntot. Sa totoo lang ay malaki ang naitutulong ng tropa ko sa pagkakataong ito, sa tuwing pilit kong iniisip kung ano ba talaga ang nararamdaman k okay Zeke... Parati silang nag-iisip upang malipat ang atensyon ko sa ibang topic. Hindi man nila alam pero ang laki nilang tulong sa akin.
BINABASA MO ANG
Dare with Mr. President (Short Story)
Short StoryA short story that makes your heart beat fast and let you experience heartbreaks same as Mayumi Cabrera. Her name was Mayumi Cabrera, she has a deal... with Mr. President