Last 3 chapters...
*******
Nagulo ang sistema at isip ko sa mga binitawang salita ni Jenny. Sa puntong ito ay hindi ko alam kung makikipag-ayos ako kay Zeke o hindi pa. Bakit kung kailan buo na ang desisyon mo sa isang bagay tsaka pa may taong magpapagulo rito. Sign nga ba ito na mali ang desisyon na aking ginawa?
Umupo ako sa sala namin at tumingin lang ako sa kawalan. Ang daming ramdom thoughts na tumatakbo sa aking isip.
Tumabi naman sa'kin si Manang Berta dahil may inaabangan daw siyang drama tuwing hapon. Bakit kaya ang hilig ng mga matatanda sa mga drama?
Isang malalim na buntong hininga ang aking ginawa, tsaka ko ipinikit ang aking mga mata. "Mukhang problemado ang alaga ko ah" Sabi ni Manang Berta.
"Manang, naranasan niyo na bang magulo ang utak mo ng dahil lang sa isang tao" Pagbubukas ko sa kanya ng aking problema, minsan kasi maganda rin yung may napagsasabihan ka ng saloobin... nakatutulong 'to upang malaman ang bagay na dapat mong gawin.
Hindi masamang mag-open up ng problema sa ibang tao, ang masama... Ang kimkimin mo ang sarili mong problema hanggang sa bigla ka na lang sumabog.
"Anak hindi naman gugulo ang utak mo kung walang halaga sa'yo yung taong iyon"
"Pero manang... Mali eh, parang kahit saan anggulo ko tignan eh walang tama" Totoo naman, sa tingin ko kasi 'pag nagsasama kaming dalawa ni Zeke ay patago naming nasasaktan sina Trisha at Lovely. Ewan ko ba! Kailan ba nagkaroon para sa'kin ang pagsasama naming dalawa?
"Kung naging okay ka ade tama ang naging desisyon mo, Pero kung patuloy ka lang naman nasasaktan ikaw na ang may tama Mayu. 'Wag kang magbulag-bulagan sa mga nararamdaman mo anak. Hindi magugulo ang utak mo, kung wala kang pake sa taong iyon" Sabi sa'kin ni Manang.
Ngayon ay medyo nalinawan na ako sa mga bagay na dapat kong gawin. Tatapusin ko ang kalokohan naming nasimulan sa maayos na paraan, kakausapin ko si Zeke... Gusto ko ng itigil ang deal, babayaran ko na lang yung nasira naming gitara.
Pumasok ako sa school ng mga bandang alas-nuwebe na ng umaga dahil na rin wala kaming kaming teacher sa umaga. "Mayumi excited ka nab a sa P.E. na'tin ngayon? Volleyball pare! Volleyball!" Natutuwang sabi sa'kin ni Jeston.
"Oo pare, tang ina mga babae na naman magiging kalaban ko. Pabebe, wala man lang thrill" Pagsagot ko sa kanya. Totoo naman eh, nakakatamad kasi puro babae ang kalaban ko. Baka raw kasi mabastos lang kami kung makikihalo kami sa mga lalaki. Suntukan na lang kaya kami?
"Okay lang 'yon pabebe ka rin naman eh. Tignan mo hindi pa rin kayo nagkakaayos ng boyfriend mo" Natatawang sabi ni Jeston.
"Boyfriend?"
"Si Zeke! Ano ba 'yan ang slow mo. Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos? No'ng nakaraan lang lagi kayong magkasama tapos ngayon..."
"Jeston, 'wag mo na nga lang pakielaman 'yan! Baka magsuntukan lang tayo" Iritado kong pagpigil sa kanya. Sa tingin ko kasi ay nababasa niya ang mga bagay na naiisip ko lalo na't bestfriend ko siya, isa siya sa mga taong lubos na nakakakilala sa akin.
"Ba't 'di ka namin papakielaman eh parati ka ngang hinahanap sa'min ng Hubby mo" Si Clark naman ang nagsalita. "'Pag sinasabi nga namin na wala ka eh biglang lumulungkot yung mukha niya"
BINABASA MO ANG
Dare with Mr. President (Short Story)
Short StoryA short story that makes your heart beat fast and let you experience heartbreaks same as Mayumi Cabrera. Her name was Mayumi Cabrera, she has a deal... with Mr. President