" Once there was a beautiful girl who met an awesome guy. They help each other to be happy. Didn't they notice that they fell in love with each other. Until one day , the guy confesses his feelings towards the girl. He thought the girl would reject her but instead, the girl accepted his feelings. They fell hard for each other to the point that they can't leave without each other by their sides. They vow that no one or Nothing can separate them even death. Funny because after sometime, the guy died because of an accident. The girl is so depressed to the point that she wants to follow her man. She don't know what to do anymore with her miserable life. Guess that's what life is. There is NO FOREVER."
Hmmmm. Nakakalungkot naman tong storya nato. Lakas makaHUGOT.
Sino kaya ang nagsulat nito sa pader ng likod na parte ng school namin? Di nya siguro mapigilan ung nararamdaman nyang kalungkutan kaya isinulat na lang nya.
Oh my Gosh! Nakalimutan kong may klase pa pala ako ngayon! Baka maabuta-
"ALL STUDENTS MUST GO TO THEIR RESPECTIVE CLASSROOMS NOW! ANYONE WHO WILL BE SEEN AT THE CORRIDORS WILL BE SUBJECTED TO DETENSION!"
Ayan na ung morning Speech ng Principal namin na naririnig sa bawat sulok nitong University! Naku patay nako!
Masyado ko rin atang dinamdam ang nakasulat dun sa pader!
Habang patakbo ako wala ng students sa Corridor pero may chance pa kasi hindi ko pa nakakasalubong sila Principal!
Pero habang tumatakbo ako may biglang nagtakip ng bibig ako at dinala ako sa bodega ng school namin! HELP! PERVERT ALERT!
"Shhhhh" sabi nya habang nakadikit sa mga labi nya ang hintuturo nya. Familiar sakin ng scent ng taong to!
" Nico? " pabulong kong sabi.
"Miss me?"
"Walang hiya ka! Bakit moko dinala dito! Anong trip naisip mo?!" Half whisper , half Shout kong sabi habang pinagpapalo ko sya sa braso nya.
" Shhh. Wag ka ngang maingay! They are coming"
Tatanungin ko pa sana kung sino ung tintukoy nya ng marinig ko ang mga yabag at pag-uusap nila malapit sa bodega.
" Mukhang lahat ata ng estudyante pumasok ng maaga sa kani-kanilang klase Madam! Wala tayong nahuli this morning" Sambit ng isa sa mga Faculty Head ng University.
"Malaki po ang improvement simula po nung kayo ang naging Principal ng school" puri ng isa rin sa mga faculty head.
"Right. Im glad na sa gantong paraan kahit papano natuto ang mga students na pumasok ng maaga." Komento ng Principal namin.
Naririnig ko na papalayo ang mga yabag nila kaya umikot nako para tignan ang mukha ng boyfriend ko. Yes you heard it right. Boyfriend ko po si Nico Villamayor, ang Captain ng Varsity ng School namin.
" Thanks for saving me. Kung nagtuloy tuloy ako sa pagtakbo kanina malamang sa malamang eh nasa detension room nako. "
" Hindi sapat ang thank you. Dapat may kiss din" pilyo nyang sabi
" Kiss your face Nico! Aba kahit niligtas moko sa detension eh di pa rin ako ligtas sa mabahong amoy nitong bodega. Yuck! Ang dami pang agiw at alikabok!"
" Buti nga dito kita dinala kesa sa banyo . Unless gusto mo talaga na dun tayo magtago. Haha"
" Pervert ka talaga kahit kailan!"
" Mahal mo naman hahahah" >///< aga aga nagpapakilig nitong lalaking to.
" Oo na. So what's next? Di nako pwede humabol kasi panigurado absent nako. Masungit pa man din yung prof ko dun." Hayys Ngayon lang ako umabsent sa tanang buhay ko dito sa university nato. By the way, Im Fahren Fuentes. 18 years Old and my course is Education. Yeah I know Im a bad influence teacher haha. This guy in front is my 3 years Boyfriend. Nico Villamayor and he's 1 year older than me so malamang 19 na sya .
" Hmm Kain na lang kaya muna tayo dun sa Secret Tambayan natin? May baon ako. " sabay taas nya sa Lunch box nya. Funny because hindi naman sya nagbabaon.
" Parang pinaghandaan mo to ahh? " like what I've said hindi sya nagbabaon. Madalas puro ready to eat sa cafeteria ung kinakain namin
" Alam ko naman kasi na napuyat kita kagabi and I know you , you'll skip breakfast pag alam mong late ka na. " NAPUYAT means magdamag kaming nakababad sa telepono. One week kasi kaming hindi nagkita dahil nasa kanya kanya kaming probinsya para sa Undas. So ayun sa sobrang miss na miss namin sa telepono na lang kami nag usap.
" Sweet naman ng boyfriend ko di ako sanay"
" What th-" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil kinaladkad ko na sya papunta dun sa Secret Tambayan namin sa may gilid na parte ng school kung nasaan ang Malalagong puno at halaman ng school.
Habang kumakain kami pansin ko tinitigan lang ako nitong si Nico
" Baka naman matunaw ako nyan? "
" Masama ka na ba ngayon titigan? Sobrang namiss lang talaga kita. " Di ko maiwasan kiligin but at the same time naalala ko rin ung story na nabasa ko sa pader kanina . I wonder who that girl is.
" Oh baka ako naman ang malusaw nyan? Hahahah" Sa kakaisip nun kanina pa din pala ako nakatitig sa kanya.
" Masama na rin ba na titigan ka ngayon? " pagbabalik tanong ko sa kanya
" No baby. Kahit maghapon mo pa gawin yan okay lang. "
" Hayy naku , tapusin na nga natin tong kinakain natin bago pa tayo langgamin dito." Ang sabihin mo sobrang kinikilig ka lang. Bakit kaya kahit 3 years na parang nasa ligawan stage pa rin kami ni Nico? Ung tipong kahit anong gawin nya , kinikilig ako?
I GUESS IM CRAZY INLOVE WITH THIS MAN IN FRONT OF ME.
YOU ARE READING
MY BOYFRIEND'S REINCARNATION
Roman pour AdolescentsTeenfiction, Drama, And Romance. Not all can relate but Im sure many will love this story.