CHAPTER 2

4 0 0
                                    

After namin kumain kanina, MUNTIK na namin makalimutan na may susunod pa pala kaming subject. Ayoko ng dagdagan ung absent ko for this day. Tama na ung isa lang.

Habang naglalakad kami ni Nico napansin ko na kanina pa sya nakangiti. Baliw na siguro to.

" Hoy mister, bakit ka nakangisi dyan? Nababaliw ka na ba?"

" Hoy misis, oo nababaliw ako. SAYO. Boom!" -___- ganda na sana nung banat nya kaso bakit may Boom?

" FYI, hindi pa ako Misis."

" Sus. Dun din naman ang punta nun eh. Matatagalan nga lang. "

"Ewan ko sayo. O, andito na tayo sa room ko. Pano? Pasok nako ahhh? Salamat sa napakasarap na breakfast"

" My pleasure. Cge una nako. Sunduin kita after ng class mo ah? May pupuntahan tayo." Sabi nya habang nakataas-baba ung kilay nya.

" Huh? Saan naman? Baka gabihin tayo ahh."

"Don't worry nakapagpaalam nako sa parents mo. Cge na mukhang parating na yung prof mo. Una nako. "

" bye! Ingat ! Aral mabuti."

" Wait may nakalimutan pala ako."

"Ano yu--" >///<

" oh wag kang masyadong kiligin magtira ka para mamaya. Bye!"

" Ms. Fuentes, why are you still standing there? Get inside the room. Masyado ka atang di nakaget over dun sa kiss ng jowa mo" pang aasar nitong prof ko na mas mukha pang estudyane kesa samin. Pasalamat sya close kami haha.

" maam naman ihh. Masyado ka pong tsismosa . Tara na nga po sa loob. " sabay hila ko sa kanya. Oh well ayos lang naman kay Prof Isabel yan kasi parang barkada lang namin yan. Super bait pa. Bakit kaya di na lang lahat ng prof dito sa University namin maging katulad nya?

Hindi ako katulad ng ibang normal na estudyante na happy-go-lucky lang ang peg. Focus kasi talaga ako sa studies and Im aiming to be magna cumlaude. Pero hindi rin naman ako isang typical na nerd no. Hindi ako nakaglasses at hindi ako baduy manamit.

" Fahren, hindi ka ba maglalunch?" Tanong ng isa sa mga blockmates ko.

" Hindi na, medyo naparami kasi kain ko nung breakfast eh. Tsaka kailangan kong maihabol tong activity ko sa unang subject natin kanina. Baka ito pa maging dahilan para bumagsak ako eh."

" OA na Fahren ahh. Pero ikaw bahala. Cge una na kami. "

Nagtataka ba kayo kung bakit nagkagusto ang isang sikat na sikat na Basketball Player sa isang nobody na tulad ko?

Pwes wag na kayong magtaka. Sa ganda kong to? Sino ba naman ang hindi mahuhulog hahahahaha. Oh well baka isipin pa ng nakakakita sakin na nababaliw na ako.

Kidding aside, nagsimula ang lahat nung bumagsak sya sa 2 nyang subject noong highschool pa kami. 3rd year highschool to be exact.  Eh bawal kasi sa Varsity ang may bagsak. Pero buti na lang pinagbigyan sya ng mga teacher nya . Kailangan nya magpasa ng research paper sa tulong ng talino ko. Ayaw ko nung una kasi ayaw ko rin sa kanya nun. Napakayabang, feeling gwapo ( pero totoo naman) , mapang asar, attention-whore. Pero sabi ng teacher ko na nagkataong teacher din nya na tataasan nya ang grades ko kapalit ng pagtulong ko kay Nico.

At gaya ng inaasahan nyo, puro kami away nun, asaran, lagi ko syang nakukurot kasi napakakulit , kailangan ko pa syang takutin para lang samahan ako magpunta sa ibang library para maghanap pa ng sources, pero diko namalayan na unti -unti na pala akong nahuhulog sa kanya.

Syempre natakot ako na umamin sa kanya kasi syempre I'm afraid of rejection. Bakit nga ba naman gugustuhin ng isang Sikat na sikat at napakagwapong Nico at isang Nobody at Laging nagsusunog ng kilay na katulad ko?

Kaya after namin maipasa ung research paper nya, muli akong dumistansya sa kanya. Pero sya naman after nun lagi nya akong niyaya lumabas, Isang beses lang ako pumayag nun at yun ay nung umamin ako sa kanya para na rin layuan nya ako.

Pero ang inaakalang lalayuan ay kabaligtaran pala. Umamin din sya sakin na mahal nya na ako. TAKE NOTE: Mahal nya ako. Ako kasi gusto ko pa lang sya nun.

Niligawan nya ako pero di ko na rin pinatagal, kaya after 9 months sinagot ko na rin sya. Alam ko na medyo matagal na nga yung 9 months pero kasi syempre hindi ko pa nararanasang mainlove kaya gusto kong makasiguro. Pero I think tama naman ang naging desisyon ko.

Naging masaya ako sa kanya. Minahal ko sya ng husto. Hindi rin sya madalas maging sweet pero kung maging sweet naman grabe ako kung kiligin.

" Huy!"

" Ay anak ng kabayo! Nico naman eh bakit ka nanggugulat? "

" Hoy Ren-ren kanina ka pa kaya nakatulala dyan. Tapos na klase nyo oh. 10 minutes ago. Sabi ko naman kasi sayo wag mokong masyadong isipin eh." Wow. Taas ng confidence nya. " Pero bukod sakin , ano pang iniisip mo kanina at parang ang lalim ata? Tapos may pangiti ngiti ka pa? Naku Ren-Ren kapag yan ibang lalaki mapapatay ko yu-"

"Ikaw lang ang iniisip ko no , may ibang pa bang pwedeng maging dahilan ng pagngiti ko?l bukod sa yo ?" This is not you fahren. Ang cheesy mo masyado.

" Mabuti ng magkaliwanagan no. O sya, tara na sa pupuntahan natin. " Sabi nya sabay kuha sa mga kamay at kinaladkad ako.

" Oy saan ba tayo pupunta? " aba hindi ako sinagot ng lalaking to.

" Uie, bitbitin mo naman tong bag ko tulad ng ginagawa ng ibang lalaki sa mga Jowa nila" sabay turo dun sa mga magjowa na nakikita ko na hawak ng mga boyfriends nila ung bag nung girls.

" Oy Ren-Ren quota ka na ata ngayong araw sa pagiging gentleman ko ahh. Tsaka ang gaan gaan ng bag mo kasi ung ibang mga gamit mo nasa locker mo na." Ayy oo nga no? Hihihi.

" Pero san nga tayo pupunta? Sabihin mo nakasi sakin. "

" basta." Sambit nya habang nakangisi. baka kung saan ako dalhin nitong lalaki nato. Aba kahit boyfriend ko sya hindi pa nya pwedeng gawin sakin ung bagay na un no. " Stop what you're thinking . Wala akong gagawing masama sayo. Basta manahimik ka na lang dyan."

" okay sabi mo eh." At hinayaan ko na lang syang dalhin ako sa lugar na diko alam kung san kami pupunta.

MY BOYFRIEND'S REINCARNATIONWhere stories live. Discover now