BOTB Round 3

5.5K 200 3
                                    

Jasper's POV

(A/N: Yung time nito, is yung nawawala yung kapatid ni Jasper, so, ayun, para di kayo malito. Bakit kelangan pa nito? Dahil yun ang gusto ko. Jk. Basta.. :D )

Sh*t. Sh*t. Sh*t. Napakapabaya kong kuya!!! Mano man lang sinama ko siya diba?!  Lorraine, bunso, saan ka na ba? Sh*t, di lang ako lagot kanila mama at papa, natatakot din ako sa kung anong mangyayari sa kapatid ko.

Bilang kapatid, hindi syempre sakin maiiwasan ang pag-aalala, unica hija namin na bunso yun, mahal ko yun syempre. Hay teka-- ba't nakuha ko pang magkwento sainyo eh nawawala na nga ang kapatid ko?!

"LORRAINEEEEE!!! LORRAINEEEEE!!! ASAN KA LORRAINEEEE!!!" sigaw ko sa park. Dito ko kasi siya huling iniwan. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito pero wala akong pake. Importante ang mahanap ko ang kapatid ko.

Nagsimula na akong magtanong-tanong sa lahat ng nakakasalubong at makita ko dito sa park. Buti may recent picture ako ni Lorraine dito sa wallet ko.

"Miss, miss nakita niyo po ba itong batang ito?" tanong ko sa isang babae. Mga nasa mid-20's na din.

"Hmmmm, teka. Parang namumukhaan ko itong bata, nakita ko siya kanina eh. May kasama siya---" hindi ko na pinatapos ang babae at tinanong agad kung saan niya banda nakita, malay niyo nadun pa.

"Andun sila kanina ng kasama niya sa bandang kabilang side ng park. Umiiyak yung bata di ko alam kung bakit." sabi nung babae.

"Sh*t. Sige po miss salamat po." sabi ko sa babae pero yung mura bulong lang yun. Agad kong pinuntahan yung sinabi na lugar nung babae. Pero...

wala ng tao doon. Fvck. Nakakainis!

HInanap ko siya kung saan-saan. At masusi ko ring tinitingnan yung mga nakakasalubong ko, malay mo nagkasalisi lang diba. Basta, positive ako walang mangyayaring masama kay Lorraine. Kinontak ko na rin sila mama at papa, humihingi ako ng sorry sa kanila paulit-ulit, at tanggap naman nila yun. Kung sabagay pag di ba nila ako pinatawad maibabalik ba si Lorraine? Makikita ba namin si Lorraine?

Halos 2 hours na akong naghahanap. Bumalik muna ako sa police station kung saan naghihintay sila mama. Kinomfort ko nalang si mama. Makalipas lang ng ilang minuto, nagulat nalang kami nila mama ng makarinig kami ng isang mala-anghel na boses na kanina pa namin gusto marinig...

Behind the Nerdy Look [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon