At dahil si Rosalynne ung unang nag-comment, sakanya ko po muna i-de-dedicate ung chapter na ito. ENJOY READING!! PLEASE COMMENT PO!! :D
Picture of Lorelei Rodriguez at the right side:-------------------->
////////////////\\\\\\\\\\\\\\\\\
Lorelei's POV
"Aaaaaaaaaaaaaaaah!! Late nanaman ako ng gising!! Ugh, kainis!!"
Dali-dali akong bumangon at dumiretso na sa banyo upang maligo. Ito ang unang araw ng pasukan ngayon sa New Valley High. At ang kinaiinisan ko sa lahat, ay yung unang araw ng pasok at malalate ka pa.
Dali-dali akong bumaba ng kwarto at nagpunta agad sa lamesa. Kagat dito, inom doon.
"Oh anak hinay-hinay lang sa pagkain." nakangiting sabi ni mama habang siya'y naghahanda ng pumasok.
"Opo mama. Eh kasi malalate na po ako eh." sagot ko kay mama. Agad ko ng tinapos ang pagkain ko at nagpaalam na kay mama.
Pagkatapos kong kumain, nagmadali na akong lumabas at tumakbo sa may bus station. Medyo malayo kasi ako sa school, kailangan mo pa talagang sumakay ng bus at LRT.
"Hays kainis! Ngayon pa ako natraffic oh!" pagrereklamo ko habang nasa bus ako.
At sa wakas umandar na rin ang bus at nagdire-diretso na ako papuntang LRT station at agad nakipag-unahan sa mga taong bumababa. Kumbaga eh ung mga tao sa loob palabas na, ako nakikipag-salubungan sakanila. Pasensya na, desperado na ako eh. ^________^V
At sa wakas!! New Valley High right before my eyes!! Narating din kita!! :) :) :)
Bago ang lahat, magpapakilala po muna ako. Ako po pala si Lorelei Rodriguez. Ako po ay 16 na taong gulang at ako'y nag-aaral sa New Valley High bilang isang 4th Year High School student.
Nagulat ako ng may narinig akong tumunog, nag-bell na pala. Dali-dali ko ng hinanap ang room ko sa nakapaskil sa Bulletin Board.
"Room 4-A," pasalita kong sinabi. Pagkatapos kong sabihin un, may narinig akong nagsalita, pero kahit pabulong ito, narinig ko naman.
"Oh gaahd. Sa 4-A siya? I can't believe it! A girl like her mapapasama sa class na yon? Just look at her!" sabi nung isang babae sa kasama niya na nasa may likuran ko lang.
Aba't akala mo kung sino siya magsalita? Eh tingnan mo naman ung mukha niya, mukhang painting na colorful di mo na malaman kung may mukha pa ba o abstract painting na.
Porket ba ang ayos ko eh naka-ponytail, naka-salamin at may braces pangit na? Anong masama dun? Psh. Mga anak-mayaman talaga.
At tsaka teka... anong meron sa 4-A?
****************************************************
Author's Paepal Note:
Hahaha nabitin po ba kayo o hindi? Well sa mga bumasa (kahit parang mukhang wla naman XD ) keep on reading po and post a comment.. Malay niyo mapag-dedicate-an ko po kayo sa isang chap nito.
And pagpasensyahan niyo na po ako ah, bagong writer lang po ako hindi po ako bihasa. :) I accpet corrections po. Thank you thank you po!! :) :) :)
![](https://img.wattpad.com/cover/8107996-288-k126390.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind the Nerdy Look [Completed]
Fiksi Remaja[TAGLISH] COMPLETED Si Lorelei Rodriguez ay isang babae na nag-aaral sa New Valley High bilang isang 4th Year High School Student. Siya ay isang "nerd" kung ituturing ng iba.. Pero.. may isa siyang sikreto na kanyang nililihim at tinatago.. Paano ku...