BOTB Round 2

6.5K 209 4
                                    

Sabrina's POV

3 weeks na ang nakalipas since nangyari yung insidente. Pero, wala pa ring pagbabago. Ganun pa din.

Si Lorelei? Ayun, matamlay. Pero pinipilit lang niya magmukhang masigla at masaya sa harap namin. Grabe nga lang dahil obvious. Kahit mismong si Manager nahalata. KInausap siya ni Manager na magpahinga muna pero sabi naman ni Lei, ayaw niya kaya naman niya. If I know her too much, hindi yan talaga, nililibang niya sarili niya para makalimot.

Si Jasper? Balita ko kay Charles. ayun, parehas ng kay Lyka, matamlay. Minsan na daw nagkaroon ng masinsinang usap sila ni Jasper at Charles. Pili kayo, Flashback o Salaysay ko nalang? Meh, salaysay nalang, tinatamad ako mag-isip. =_______=

*Ehem* Sabi sakin ni Charles, sinabi daw sakanya ni Jasper na hindi naman talaga niya gusto magalit kay bes. Nadala lang siya ng galit at inis. Ni gusto nga raw niya kausapin ito, dahil nga syempre bukod sa mag-away na sila, nasira ang friendship nila. At ito raw si Jasper, teka, nagha-hyperventilate ako dito. XD Mahal daw niya si Bes!!!!! OMG. Hahahahaha. Kaya gusto niya talaga ito makabati na.

Pero, hindi pa talaga niya alam na si bes eh si Angelica rin. Pero importante, di na siya naka-stuuck sa nakaraan, nagmahal siya ulit. Pero di niya alam na sa parehas lang naman na babae. Hahahahaha. Alam niyo, dapat alam niya na eh, eh hindi nakinig, pasok sa isa, lbas sa kabila, ayan. Remember? Nung tinawag namin siya ako tawag ko Lorelei si Charles eh Angelica? To think na sumigaw kami nun diba? Shunga lang si Jasper. =______= Ayun na eh.

Back to practice na. And as usual, walang nangyayari, halos parang walang buhay ang boses ni Lorelei/Bes. Pano di angkop ang kanta sa nararamdaman, alanganin daw mag-emo si bes. XD Tae, ansama kong kaibigan, pinagtritripan ko pa siya. >_____>

"Huy Lorelei ayos ka lang ba talaga? Sa susunod na araw na yung Round 2. Di naman sa pinepressure ka namin, na hindi ka namin iniisip o----" naputol ang pagsasalita ni Gab nang magsalita si Lorelei.

"Sorry talaga guys. Don't worry, maayos nako ngayon. Medyo wala lang talaga ako sa mood kanina. Tara practice na?" tanong niya sami habang nakangiti. Tss, naaawa ako sa bestfriend ko, ayan nanaman siya sa Fake Smile Mask effect niya.

"Sure ka talaga ha? Pwede naman si Sab muna ang mag-take over na vocalist." si Manager na mismo nagsabi. Yang si Manager, kahit may pagka-strict at sabog ang pag-iisip niyan, syempre tatay kuno siya sa amin at concerned din siya. Hindi siya yung tipo ng Manager na masungit na wag idamay ang personal na problema blah blah blah. Si Manager, iniintindi ka niyan.

"Hindi Manager, ako na. Kaya ko toh. Ako pa." sabi ni Lorelei habang inaayos na yung mic sa stand niya. (A/N: I dunno tawag dun.) 

"Sur---" sabay-sabay naming tanong pero...

Behind the Nerdy Look [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon