2

2.2K 64 5
                                    

Hi ate o kuya kung sino ka man sana ma post to.

Oo pinagyayabang ko yung girlfriend ko. Hindi dahil sa itsura niya kundi dahil sa ugali niya. Mga pre, NASA KANYA NA YUNG LAHAT. Lahat ng hanap ko sa isang babae. Aaminin ko, fuck boy ako. But that was before i met her. Corny mang pakinggan pero nung nakilala ko siya, nag 360 degree yung mundo ko. Never akong nagseryoso ng babae, never akong nangsuyo ng babae kapag galit sila, never akong nanghabol ng babae, wala nga akong pakielam sa kanila eh, never akong nanligaw, never akong nanlibre, never ako yung unang nag start ng convo pero sa kanya? Iba talaga eh. Nung una pa lang na nakita ko siya doon sa entrance ng gate ng FEU, napaka haggard niya tas sobrang init pa non at mukhang pagod na pagod sya sa sobrang daming bitbit na folders, parang biglang gusto ko siyang lapitan at tulungan. Gandang ganda ko sa kanya kahit nanlilimahid yung mukha niya. Eh sa totoo lang, never akong nagsecond look sa babaeng hindi pala ayos. Pero hindi ko siya nilapitan kasi inuna ko yung pride ko. Ilang beses na kaming nagkakasalubong sa hallway pero hindi ko talaga siya malapitan. Para bang nawawala yung pagkalalaki ko tuwing magtatama yung mga mata namin. Creepy mang pakinggan pero naging obsessed ako sa kanya. Everywhere siya magpunta nakasunod ako. Until isang araw napaisip na lang ako, kung hindi ako kikilos baka maagaw siya ng iba. So kahit nanglalambot yung mga tuhod ko, naglakas loob akong mag hi sa kanya nung nakatayo siya doon sa gilid ng puno habang nagpapahangin. And fuck, nung nag hello siya, sobrang sarap sa feeling. Since then, doon na nag-start ang lahat. Hanggang sa nagkaaminan na kami. Ganito ganyan. Niligawan ko siya. Sinagot niya ko. Naging kami. At 6 years na kaming magkasama. Sobra niyang maintindihin, kapag nagaaway kami ng parents ko, siya yung una kong pinagsasabihan. Kapag maglalaro ako ng basketball kasama ko siya lagi.Sinasakyan niya yung trip ko. Siya yung kauna-unahang babaeng nakapaglagay ng ipit sa buhok, siya lang din yung kauna-unahang nakapag lagay ng lipstick sakin. Hindi na ko yung fuckboy na walang pakielam kundi ang sarili niya. Hindi niya ko binago, ako yung nagbago para sa kanya. Marami kaming naging problema pero lagi lang siyang nasa tabi ko. Never niya kong iniwan at higit sa lahat siya yung pinaka minahal ko. Kaya kung pwede lang sana, ayoko na ng iba. Siya na lang. Lord siya na talaga yung gusto kong makatuluyan sa hanggang bandang huli. Please po.

-Tin's Adrian

Please do vote and follow me! Thanks :)

Wattpad Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon