16

495 8 0
                                    

HUWAG NIYONG MALIITIN ANG KAPWA.

Isang beses sa bahay ng aming leader na malaki ulo ako naki sleepover para matapos namin yung thesis. Napagod kami sa maghapong interviewhan kaya nauwi narin sa pagtulog sa kanila. Syempre dapat ingles ang thesis pero dahil mas madali ang tagalog na interview tagalog na lang ang ginamit namin tsaka itatranslate. Ala una
pero nanunuod pa kami ng green inferno G lang lahat maliban doon kay leader at yung plastic niyang bessy na kagrupo ko, nagchichikahan sa sahig. Bali nagtatype sila kuno sa laptop habang nasa lapag while kami namang ibang groupmates sa sofa nakaupo. Noong una nagdaldaldalan lang sila pero noong makalipas na ng isang oras mga nagiinarte na, kesyo wala daw tinutulong yung 'Iba' na alam kong ako naman yung tinutukoy nila. Wala kong pakiealam kahit magparinig sila ng harapan na wala akong naitulong dahil alam ko sa sarili kong may nacontribute naman ako kahit papano gaya ng pagprint ng ganyan paggawa ng mga questions para sa interview (FYI HINDI MADALING GUMAWA NG QUESTIONAIRE LALO NA KAPAG MEDYO SENSITIVE YUNG TOPIC) pagisip ng title at paggawa ng introduction. Hindi naman sa pagmamayabang pero pinagmamayabang ko na rin na halos ako na lahat gumawa, hindi ko alam kung bakit siya yung pinili ng teacher namin at pinagsasama kami sa grupo kahit di naman namin kilala yung isat isa personally. Based kasi sa past experience ko sa paggawa ng thesis laging pinapabayaan kami ng aming subject teacher na mamili ng kagrupo sa thesis para solid ang samahan. Less away narin. Sa thesis talaga nagkakitaan ng totoong kulay kasi madalas kayong magkaka-sama uso pa yang pa sleepover sleepover sa bahay kaya maybonding na nagaganap. At sa thesis din nagkaaway away ang barkada ko. Totoo nga yung sabi ng adviser namin (siya rin kasi teacher namin sa reasearch) na takaw away tropa ang thesis.  Nalayo na tayo okay balik tayo doon sa dalawang plastic. Mula sa kalahitnaan ng green inferno hangaang sa nakatapos kami ng dalawang movie ayaw tumahik nung dalawa sa pagpaparinig para pang mga tanga duwag naman ayaw pa sabihin sakin ng diretsuhan. *rolls eyes* yan pa naman yung klase ng tao na pinaka kinaiinisan ko sa lahat. Mga tipo ng tatawagin kang 'bebe' kahit di kayo close para magtanong lang ng 'be may pulbos ka?' Bitch. Tantanan niyo ko diyan sa pahingi hingi ng pulbos baka ipalunok ko sanyo yung isang garapon ng Johnson's baby powder. Kalagitnaan pa lang kami sa thesis pero timping timpi na ko sa ugali nang dalawang yan. Maka astang leader mas marami naman akong nagawa. Mga nagmamatalino at panay lang ang parinig. Diyan ako nainis lalo. Habang nanunuod kami ng second movie narinig ko yung dalawa na naguusap tungkol doon sa kung pano nila itatranslate sa english yung interview ang lakas lakas kasi ng mga bunganga kahit wala akong intensyon pakinggan narinig ko parin. At buti na lang narinig ko. Aba sabi ba samin wala daw kaming kwentang kagrupo, kung samin daw nila ipapa english yung interview mabobokya lang daw kaming lahat at madadamay pa daw sila. Aba te sabi ko sanyo eh, na triggered ako. Nakakita ko ng red at muntik ko na silang masaksak ng lapis na pinaglalaruan ko noong oras na yon. Para maprevent ang away bago ko pa sila kumprontahin sa pangmamaliit nila samin, nagvolunteer akong magtranslate. Chineer pa ko nung dalawa 'matalino naman daw ako at kaya ko yun' Ala eh. Daig ko pa silang sinampal ng hallowblocks sa mukha nung nagpacheck for approval muna kami kay sir para mapa print na. Cinompliment nila kung sino daw nagtranslate nung gawa namin kesyo maganda daw ang pagkaka composed. Isang malakas na bravo para sakin te. Pero dahil humble ako sinabi ko na lang na nagtulong tulong kami. Sorry but pinalaki kasi ako ng aking parents ng matino at kahit gustong gusto ko na silang kumprontahin uunahin ko parin ang values, self respect at dignity papabayaannko sila as long as hindi aabot sa puntong sobra na yung mga sinasabi nila. Kaya ang ginawa kong revenge para sa pagunderestimate nila samin is nothing but success. Para sa mga taong na underestimate ng iba, ang sasabi ko lang ay sabayan natin si Selena sa kanyang kanta na Kill em with Kindness.

-searcherLOL :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wattpad Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon