6

869 35 0
                                    

Hindi naman maganda, wala namang katawan payat payat eh, maitim pa. Yan yung kadalasang naririnig ko doon sa mga insecure na babaeng galit na galit sakin. Yun nga masaklap eh, di na nga ako kagandahan, insecure pa sila. Hello mga atesssss, alam ko ng di ako 'sexy' at di rin ako 'maputi' di niyo na kailangang isampal sa mukha ko, tanggap ko na yon matagal na kayo lang hindi :p Masakit mapagsabihan ng ganun syempre tao lang din ako gaya niyo. May pakiramdam at nasasaktan. Di ko na lang pinapansin yung mga pinagsasabi nilang masasakit na salita tungkol sakin wala naman akong mapapala kung papatulan ko sila. Lalaki lang yung gawak at hindi ako yung tipo ng babaeng, palaaway. Ha, may pinagaralan po ako hindi ko sinasayang yung pinangbabayad ni mama sa tuition ko.

Totoo yung sinasabi nila, di ako maganda, tingting ako, negra, bansot, in short panget. Hindi ako nabiyayaan ng kahit isang patak ng kagandahan pero sa totoo lang, wala akong pake. Hindi ko kailangan ng ganda para makagraduate, hindi ko kailangang pumuti para magkaboyfriend. Para saan pa ang KAGANDAHAN KUNG PANGET ANG KALOOBAN? RIGHT GIRLS? Lakas maka binibing Pilipinas wew ;) Sa panahon natin ngayon, di na puso ang tumitibok kung hindi mga mata. Pag maganda, ayan pila pila ang mga manliligaw pero pag panget forever single? Di naman lahat. Wag niyo kong idamay hahaha pinaka main reason kung bakit ang daming insecure sakin ay una, may boyfriend ako, pangalawa, pogi siya. Mala Andrew Garfield ang dating ganun. Hindi na ko nagquestion pa, laking pasalamat ko na lang. 'tangna, sa panget kong to nagka boyfriend pa ko' yung iba iniisip kaya daw ako niligawan baka kasi dare lang, lol niyo haters yung iba naman sinasabi kailangan daw ng pangbaon, bitch Im not even rich. Ano may masabi na lang? Hayyyyy mga tao talaga ngayon eh. Ka sora. Ang masasabi ko lang ay, hindi lahat ng guwapo manloloko, ibahin niyo yung boyfriend ko. Hindi lahat ng mga gwapo, kagaya ng boyfriend ko. Swerte ko na lang talaga sa kanya,mabait, hindi tumitingin sa panglabas na anyo. Siya siguro yung regalo sakin ni God nung naubusan ako ng kagandahan, or baka daw siguro mabait ako, di mapanglait ng kapwa at dapat tularan? Kung ano man yung rason na yon nagpapasalamat ako kasi napunta siya sakin.

"Wala kong pake kung butas butas damit mo. Wala kong pakiealam kung sinasabi nilang panget ka. May sarili akong version ng maganda." Yan yung exact na sinabi niya sakin, sweet no? Well he's off limits so back off dont test me. Joooooke. Pero seryoso ako. Promised. Lol

Kung ang iniisip niyo iiwan niya rin ako kasi walang forever? Ill tell you what. Alam ko yon lahat tayo darating don wag kayong atat. Keme kayo eh. Ill take this oppurtunity para maghinagpis hahaha lol para to sa mga haters ko, salamat ginawa niyo kong famous but on a more important note; tumigil na kayo kasi honestly, ano bang mapapala niyo? WALA NAMAN DIBA? Nagaaksaya lang kayo ng time sakin, gosh. Why dont yall try to do something productive ateast once? Gumawa ng matino, you know baka mag end of the world diretso kayo sa hell. Secondly, tbh wala akong pake sa mga sinasabi niyo sakin kasi alam ko kung ako yung totoo but iba yung salita sa nagsasalita. Gets? Probably not. Sa mga naka gets thankyou labyu na mga sisi. Sa mga hindi labyu paren guys maiintindihan niyo rin yan. What i mean is, wala akong pake sa mga salita niyo ulitin ko lang pero may pake ako sanyong mga nagsasalita. I pity kung sino man kayo, di ba kayo tiniruan ng manners ng mga parents niyo? At the end kayo yung mga mukhang tanga kasi wala namang ginagawang masama yung tao sanyo tapos pagsasabihan niyo ng kung anoano? Ugh. Dibale na nga gustoniyo yan eh. Whatever basta masaya ako kuntenta na meh.

Sa mga kapwa ko diyan, tiis tiis lang mga bibe wag kayong mawawalan ng pagasa. Sa mga mahilig manlait, walang taong perpekto tanda niyo yan sa kokote niyo. Magbagong buhay na kayo bago mahuli ang lahat. Sml ;)

Ps. Makikibati narin ako sa gwapo kong boyfriend lalu kahit hindi mahilig sa wattpad at malabong mabasa niya itey. Iloveyou hal, pinatunayan mo saking ibang iba ka kanila. Wag kang masyadong magdidikit sakin ah, baka bukas mukhang tae kana din. HAHAHA biro lang iloveyou my knight in bagong tinanv white tshirt.

-KemeAli

A/N: its been so long i miss yall :/ salamat sa mga nagtiis at nagantay well ayan ho. Btw shoutout kay KemeAli di kita kilala girl but saludo ako sayo ;) THATS THE SPIRIT! Moving on, if you want to share your stories, pm me on my fb fanpage 'Wattpad Secret Files' go follow me on twitter @facelessastrid

5 votes for next update

Wattpad Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon