Araw City

897 16 0
                                    

This is another shared experience. Enjoy.


"This is so true .laking samar ako at marami na kong narinig na kwento about that BIRINGAN . pero samin sa Nothern Samar , tawag namin sa lost city na yan ay ARAW CITY . Ang sabi ng mga matatanda , ang pinakamain city ng lugar na un , ay naroon sa bayan nami . Bayan ng Palapag Northern Samar . Buong bayan namin ay sakop ng Araw City o Biringan . Marami na kong narinig na kwento tungkol sa lugar na un . At naniniwala ako dahil mismo ako naranasan ko ang makasalamuha ng taong nakatira sa lugar na un .


Isang araw , tanghaling tapat nun . Nakatambay ako sa may tulay . Bago ka mapunta sa pinakaloob ng barangay namin , madadaanan mo muna ang tulay na un . Un ung pinakabungan ng brgy. namin .


Habang nakaupo ako , napansin ko ang paparating na napakaganda at napakakintab na kotse na kulay itim . Napanganga ako , kasi minsan lang ako makakita ng kotse sa bayan namin , lalo pat napakaganda at napakakintab .


Lumagpas sa tulay konti at huminto . Inantay kong lumabas ang nakasakay dito . Hanggang sa bumaba ang isang napakaganda , napakaputi at may mahabang buhok na itim na itim na babae . Nakabestida ito ng itim na lampas tuhod .. naka summer hat ng itim at naka shades na itim .


Biglang tumindig mga balahibo ko ng nagsalita ito. Diko alam kung bakit parang kakaiba talaga .


"Miss,saan dito ang daan papuntang bayan?" Bagaman nakangiti sya , kakaiba ang boses niya . Parang masakit sa tenga marinig .


Nagtaka ako , kasi alam kong galing na sya ng bayan . Kasi wala namang ibang daanan dto papuntang bayan . Ung daan lang na tinahak niya papasok dto sa baryo namin .. so sabi ko , doon po . Tinuro ko kung saan sya galing . Hindi ako nagtanong o nagsalita pa .. nakatitig lang ako sa babae .. kahit ung ibang nakakita , nakatingin at nakamasid lang din hanggang sa umalis ung babae at dumeretso lang ang kotse niya papunta sa daan papuntang kabilang baryo . Nag usap usap ung mga matatandang nakakita dun sa babae .. sabi nila , "Antayin natin na bumalik , kasi babalik din yan . Hindi naman kasya ung kotse sa daan papunta dun sa kabilang baryo .


Maliit lang kasi ung daan papunta dun sa kabilang baryo . Dalawang motor lang ang kasya kung halimbawa man magkasabay . Umuwi ako sa bahay kasi biglang sumama ung pakiramdam ko . Hanggang sa dumating ang hapon , usap usapan na samin ang babaeng nakakotse . Tinanong nila ako kung ano sinabi sakin .. sinabi ko sa kanila ang lahat . Ay nalaman kong may tinanong sila na taga samin na galing sa kabilang baryo , kung may nakasalubong na kotse papunta dun sa kabilang baryo . Wala naman daw syang nakasalubong


Kaya mas lalo ngtaka ung mga taga samin .


Hanggang sa nung malapit na magdilim , hindi pa dumaan ung babaemg nakakotse .. inaasahan naming dadaan din ung babae pabalik sa bayan kasi nga wala nang ibang daan papunta sa kung saan lalo pat nakakotse ito . Pinakadulong baryo na ung baryo pagkatapos samin . Kaya nakapagtatakang hindi pa bumabalik . Pero ganun nalang ang pagtataka na may halong takot ang naramdaman namin ng napag alaman namin mula sa brgy.Tanod ng kabilang baryo na dumaan papuntang bayan sana , nung tinanung kung may nakaparadang kotse sa kanila mula pa kaninang tanghali o kung may nakita mab lang silang nakakotseng babae .Pero wala daw itong nakita , nakaduty daw ang tanod na to hanggang hapon . Wala daw ito nakitang kotse na dumating sa baryo nila .


Kaya sabi ng mga tao dito , taga ARAW CITY (biringan) yun .


Pagdating ng gabi , mas nilagnat ako at hindi nakatulog . Ilang araw akong ganun .  


VOTE AND COMMENT

Research. Topic #1 Biringan, The Invisible City.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon