Lost city in Samar (Comments)

769 19 2
                                    

Itong mga comments na to ay mga comment dun sa kwentong pinublish ko. Kinuha ko kasi sya sa isang page sa fb, at ito ang sabi ng mga nkabasa.....


"I'm from Catbalogan City, Samar. And yes totoo po Ang Biringan The Lost City."


"Pinoy version of Tomorrowland. I believe on this one.
I guess it's time to understand na ang mga "engkanto" na sinasabi nila Ay "tao" din and could be holding the key to another dimension."


"totoo to! na experience din yan ng inay ko e (mama ng papa ko). nakarating na din daw siya dyn tapos nilibot siya ng jip sa loob ng malaking mall. tapos binigyan daw siya ng mansanas nung engkanto, e naghanap siya ng asin, ayon biglang sabi daw e ihatid na siya. un pala ayaw pala ng mga engkanto sa asin. buti nalang. haha. "


" Kwento ko sa inyo para di kayo maguluhan. Taga samar kami. Kaso sa Calbayog City. Pero pwede kang makapunta dun sa Biringan. Si Carolina ay isa sa nakatira dun. Chinopchop daw yung katawan niya at pinasok sa sako. Tapos tinapon siya sa dagat. Yung katawan niya nakaabot isang isla. Which is the Biringan. Pag ikaw nakapasok dun, wag kang mag papadala sa kanila. Mga engkanto ang nandun. Isa pa isla lang naman talaga yun. Walang bahay o kung ano ano. Madamina ang nawala jan. Pag niyaya ka nilang kumain. Wag na wag kang kakain. Kasi piro itim yung ulam. Mahyhypnotize ka jan. May nakalaya nga jan eh. Bibigyn ka ng dlawang kendi. Isang itim at puti. Pag puti makakalaya ka. Pag itim hindi na. Ang mga vines dun ay nag mistulang entrance ng lugar nila. Thats all. "


" Matagl ma yung kwento about sa biringan city. I think totoo kase pati bff ng lola ko d na daw nakabalik. Huling sabi sa biringan samar daw pupunta."



"Totoo to. If you're planning to go... around 6 to 10 pm of new moon kasi mas mabagal ang oras, you can get out without getting lost for days kasi halos sumasabay siya sa time zone naten. Just try not to consume any food and enjoy the stay.. mababait naman tao dun e."


"Taga samar ako at opo totoo ang kwentong yun. Sa labas madadaanan mo lng mga pantay pantay na puno. Wag ka pumasok dun kung gusto mo pa makabalik ng maayos."


"even sa church nagsisimba din sila (people from biringan city) sabi ng mother ko, she's from catbalogan. Umaattend sila ng misa pero nakayuko lg sila, sila yung pantay lg yung sa upper lip (walang hati)."

Research. Topic #1 Biringan, The Invisible City.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon