Twenty-Two

131 3 0
                                    

*Kyline*

Kumakain na ako ngayon ng apetizer na niluto ni Manu, kaso mas parang gusto kong kainin yung apetizer kesa sa ibang pagkain.

"Italian Pizza?" Tanong ni Manu sa akin habang kumakain.

"Baby boy, dagdagan mo na ha." Pahabol pa ng ni Zia.

"Pakidamihan mo ng cheese ah." Sabat naman ng lokong Coleen tapos tumawa lang sila.

"Tell him whatever you want, he'll cook. Am I right CHEF RIOS?" Narinig ko pang sigaw ng Lola niya at nagtawanan sila.

"Do you want to decorate your own pizza?" Tanong ni Manu sa akin habang hinahapag ang Dough.

"Ahm. Sige, para matulungan din kita." Tapos iniabot niya sa akin yung isang big dough, napasmile siya tapos nag wink. Ughhhh. Tbh, I really hate guys that are winking. Para kasing mga manyak eh.

"Stop doing that." Napasigaw ako ng konti.

"What?"

"Don't you know? Ayoko sa mga lalaki ang nagwi-wink. It really looks maniac." I complained tapos natawa siya.

"O-okay."

"Its okay, now u know."

"Yeah."

Tapos tinuloy ko na yung pagdedecorate ko ng pizza. Italian kaya dinamihan ko ng veggies. Nung natapos ko na yung akin, tinulungan ko siya sa iba pang pizza. Sabi ko sakanya, malaking pizza nalang, kaso yung mga Italian daw, hindi mahilig sa hati hati, kaya medyo maliit siya pero solo. Oh diba. Kaloka tong lalaking toh. Hahaha

After toasting our Pizzas. Inilipat na niya sa mga rice paper yung mga pizzas. Tinulungan ko siyang ilapag sa stand yung mga pizza

Pizza lang yung kinain ko ng launch or should I say, brunch. Konti lang kasi yung nakain kong breakfast kanina plus coffee lang yung inorder ko kanina. Pero busog talaga ako. Tingin ko tuloy, Im losing my abs. Pero okay lang.
"What are your plans today?" Tanong ni Manu habang lumalakad kami papunta ng last floor ng Mansion nila. Hanggang 5th floor kaya, wala manlang elevator, o kaya escalator kaya sumakit yung paa ko.

"Manu pumupuntabpa ba dito ang Granma mo?"

"Oh yes. Kapag pinapanood si Ate Zia sa mga rehearsals niya. Yes, yung buong floor na yun, para siyang studio or whatever. Doon daw nagrerehearse si Ate Zia or kapag may photoshoot si Manu. Yes Manu confirmed that he's a model, si Ate Zia naman, French Artist. Hindi naman daw ganun kasikat. Pero si Manu mas sikat kay Ate Zia.

"What? Hindi ba sumasakit yung paa niya?"

"May elevator doon sa may bandang Living Room." Kaya naman pala. Jusko akala ko nakakaakyat pa yung Lola nila dito eh.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sakanya kasi na amazed talaga ako sobrang laki, ang lawak eh.

"Do you wanna dance?" Tanong niya. Naka dress pa naman ako tapos heels pa.

"Naka dress ako eh." I complained. Gusto ko namang mag sayaw kaso siyempre nakakahiya. Naka dress ako. Straight pa eh. Tapos heels. Ano bayan, dapat nag jeans or shorts nalang ako.

"Okay lang 'yan. Alisin mo nalang yung heels mo. May mga newly delivered snickers si ate dito. Pili ka nalang." Namilig yung mata ko nung dalhin niya ako dun sa may isang kwarto doon. Puro shoes tapos damit. Pero pang rehearse, dance lahat. Madaming rubber shoes, pati ballet shoes. Madaming bago kasi may tags pa yung ibang shoes

"Manu? Kyline?" Narinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae.

"Ate." Sigaw naman ni Manu at pinuntahan niya si Ate Zia na nakasilip sa may pintuan ng closet room siguro nila itong magkapatid.

"What are u guys doing here?"

"Gusto ko kasing sumayaw kami, kaso naka dress and heels siya. Kaya pinapili ko muna siya ng snickers sa mga shoes mo." Sagot naman ni Manu. Nahiya tuloy ako. Ayoko na sana eh kasi naka stockings naman ako.

Magsasalita na sana ako nung hinila ako ni Ate Zia. "Wahhhh halika dito madaming babagay sayo lalo na maganda yung legs mo." Sigaw ni Ate Zia.

"Ate dahan dahan lang." Tapos napatawa lang kami.

"Manu, Ate Zia. Im okay. Literally okay. Naka stockings naman ako so I can get off my shoes. Hindi na kailangan niyan." Sabi ko sakanila.

"He. Manahimik ka ngang babae ka. Sa ayaw at sa gusto mo, you're going to choose what shoes you will wear. Para naman lumuwag luwag ng konti dito. Nakakasawa nang tignan yung iba. Pero siyempre, dito ka pipili." At hinila niya ako sa mga shoes na may tags pa.

Bandang huli, yung Adidas NMD yung napili ko. Binigyan pa ako ng 3 pairs na ganun ni Atr Zia, tumanggi ako kasi nakakahiya pero malilit din siya kamukha ni Manu.

Sinet-up ni Ate Zia yung Camera at tripad. Yes, ivi-video daw. Tapos ipopost sa youtube channel ni Manu. Pumayag naman ako syempre.

"Anong sasayawin natin?" Tanong ko kay Manu at humarap sa kanya habang nagtitingin siya ng songs sa laptop niya.
Hindi man ako sinagot ng loko.

Narinig ko yung sounds at yung song ay yung Nobody's Perfect by Fetty Wap.

"Wait. FETTY WAP CHALLENGE?" Pasigaw kong tanong.

"Why? Is there any problem?"

"Meron nako niyan eh." Pabulong ko sinabi.

"Edi mas maganda kung may Round 2." Tapos tumawa kami. "At kasama mo pa ako." Pahabol pa niya.

At nung nagstart na sa Chorus yung kanta, todo sayaw naman ako. Go with the flow lang ang peg. At si Ate Zia naman sobrang enjoy kasi pati siya napapasayaw na din.

"Great job guys." Sabi ni Ate Zia nung inaayos na niya yung tripad at hingal nahingal naman kami kaya pinagdala kami ng bottled water nung yaya nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Their StrugglesWhere stories live. Discover now