Sixteen

108 1 0
                                    

*Kyline*

Pagkatapos naming kumain sa Café na yun, nagyaya si Coleen na mag shopping. Hinayaan ko na pero sabi ko ako nalang magbabayad lahat ng gusto niya.

Hinila niya ako agad sa Kate Spade kasi may nakita siyang Ankle-strap pumps. Umupo lang ako sa may sofa doon at hinintay siya. Samantalang dati, ako pa mismo ang nanghihila sakanya para magshopping pero wala talaga akong gana ngayon. Hinila nanaman niya ulit ako papuntang H&M, madami siyang nakitang blouses doon tapos meron pa ngang friends shirts eh. Tumatango nalang ako.

Paglabas namin sa H&M napansin niya siguro yung pagiging tahimik ko.

"Ky. Bakit hindi ka yata nagsasalita diyan?" Tanong niya.

"Punta tayong Bangkok."

Gulat na gulat yung expression niya kasi biglang ganon yung sagot ko. Nagulat din ako pero yun yung nasa isip ko eh. Msg bakasyon muna ng panandalian sa Bangkok tapos sa Dubai naman.

"Hoy alam mo ba yung sinasabi mo?" Aba, nagtataka pa ah.

"Sige ako nalang aalis mag isa."

Inakbayan niya ako, "Seryoso ka na ba doon? Pero bakit biglaan? Alam naba nina Tita Weng yan?" Sunod sunod niyang tanong

"Dahan dahan lang. Opo seryoso ako doon. Kanina ko pa iniisip yun. Biglaan? Oo pero hindi ko alam kung bakit. Ayokong planado eh. Tsaka gusto ko tayo lang dalawa. Kahit ako na nga lang sana mag isa eh. Pero hindi ko pa nasasabi kina Mommy." Piniwanag kong mabuti sakanya.

"2 weeks pa yung pasok natin before the summer vacay." Sabi niya na parang nag aalala.

"Edi next next week tayo magpa book." Tapos naglakad na kami papunta kina Mommy. Infairness lang kay Coleen andami niyang shinopping.

Nung papasok na sana kami, sakto naman palabas si Darren. Walang imik pero we smiled to each other naman for us to show respect. Ilangan talaga eh. Nakita ko naman sina Mommy nagkwe-kwentuhan tapos wala sina Daddy. Alam ko na yung ibig sabihin. Nagfa-firing sila. Everytime kasi na magkasama sina Daddy tsaka si Tito Don, lagi silang nagfa-firing kaya magkasundo sila.

"Kyline. May album tour pala si Darren sa Bangkok next next week. Ayaw niyo bang sumama." Nagulat ako nung sinabi yon ni Tita. Bakit saktong sakto? Bwisit naman. Yung facial expression ko talaga, parang nagtataka na naka smile.

Magsasalita na sana si Coleen pero tinakpan ko yung bibig niya, "Tita. Sorry pero pupunta din po kasi kami ni Coleen sa Dubai next next week. We decided to spend our summer vacay there."

Tapos nagulat si Mommy, "Ky? Is there something that I  need to know?" Tanong niya. Kinakabahan na aketchhhh.

"Mommy. Im gonna tell you later. Excuse me." Tapos dali dali kong hinila si Coleen palabas.

We're both gasping for air. Sige hingal pa. Nakatayo kami ngayon sa may malapit na C.R

"Wag na muna sa Bangkok Cols." Sabi ko sakanya

"Bakit mo ba siya iniiwasan? Ano bang meron? May gusto ka sakanya noh?"

Nanlaki naman agad yung mata ko nung narinig ko yun, " Ha? A? Ano? Ah eh, Wala! Ano ka ba. Wala! Anong iniisip mo? Haha sira ka noh." Tapos fake laughter.

"Ah. Sabi mo eh."

"Hoy. Hindi ka ba naniniwala sakin?" Tanong ko sakanya, para kasing nagdududa pa eh. Jusko sa babaeng toh.

Tapos guess what? OMG. Hindi naman namalayan na nakatayo na pala si Darren sa may side namin.

"Ah. Kanina ka pa ba?" Mahinang tanong ko kay Darren. Tapos si Coleen naman tingin tingin pa sa taas. Tapos parang natatawa ba.

"Hindi. Wala kayong dapat ikabahala." Sagot niya tapos tumango ako. Aba, bakit hindi pa ba umaalis tong lalaking to ah? Ano bang problema niya?

"Ah. Excuse me." Sabi niya tapos, my eyes widened when he says that. Hindi ko namalayan na naka harang na pala AKO sa may way palabas ng CR. Tapos si Coleen kanina pa pala nakatabi. Kaya pala natatawa siya kanina pa. Bwisit talaga toh kahit kailan.

Nung pumunta ako sakanya tawa siya ng tawa hanggang sa hinampas ko siya ng bag ko.

"Ano nananamang ginawa ko sayo?" Sabi niya habang tumatawa.

Tapos pumunta na kami ulit dun sa resto pero paalis na sila.

"Mommy si Dad?" Tanong ko. Wala kasi siya eh.

"Sabi niya, sabay na daw sila uuwi ni Lyndon."

Tapos tumango nalang ako. Ako nanamang magda-drive. Marunong si Mommy pero ako nalang.

Pauwi na kami, kakahatid lang namin kay Coleen.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Sabi ni Mommy

"Ah. Gusto ko pong magbakasyon sa Dubai. Kasama si Coleen."

"Pero sa U.S gustong pumunta ng Dad mo. Bibisitahin daw kasi sina Lola niyo." Nawalan naman ako ng gana nung sinabi yun ni Mommy. Lagi nalang sa U.S

"Kayo nalang po muna ang pumunta sa U.S nina Kuya. Gusto ko muna po kasi sa Dubai Mommy eh."

"Sige. Hindi kita pipilitin kung yan ang gusto mo. Basta ingatan niyo lang yung mga sarili niyo doon ah." Sabi Ni Mommy, buti pa kasi siya, hindi niya ako pinipilit sa mga gusto niya.

》》》

To be continue

Their StrugglesWhere stories live. Discover now